Mga Patakaran sa Pagboto ng Audience na Nasa Bahay
Paano Lumahok. Available ang (mga) Real-Time interactivity feature ng Netflix gaya ng Real-Time na Pagboto (“Mga Feature ng Real-Time Interactivity”) sa Netflix membership mo para sa ilang partikular na content ng Netflix. Para lumahok sa Mga Real-Time Interactivity Feature, mag-log in sa Netflix account mo, at sundin ang mga instruction para sa partikular na content na kasama ang Mga Real-Time Interactivity Feature. Ililista sa screen ang mga partikular na patakaran, tuntunin, at mga petsa at oras ng pagsisimula at pagtatapos ng paglahok sa Mga Real-Time Interactivity Feature, at/o available sa Help Center ng Netflix. Anumang pakikilahok ay saklaw ng mga kondisyon ng Mga Real-Time Interactivity Feature na itinakda sa seksyon 3 sa ibaba.
Panahon ng Pakikilahok. Isasaad sa netflix.com/votingrules ang panahon, oras, o tagal ng pakikilahok. Puwedeng magbago ang mga oras at tagal ng pakikilahok. Kapag nagkaroon ng teknikal na problema habang nasa panahon ng pakikilahok, o anupamang event na pinipigilan ang resulta ng pakikilahok o para matukoy ang isang entry, puwedeng isara at buksan ulit ng Netflix ang panahon ng pakikilahok. Hindi bibilangin ang anumang entry o pakikilahok sa labas ng tinukoy na panahon ng pakikilahok.
Mga Kundisyon ng Mga Real-Time Interactivity Feature. May limitasyon na isang (1) entry o boto kada profile sa bawat Real-Time Interactivity Feature ng Netflix. Inilaan ng Netflix ang karapatang palitan ang mga patakaran sa pakikilahok o mga limitasyon sa bilang ng mga boto para sa Mga Real-Time Interactivity Feature. Mawawalan ng bisa ang boto ng isang kalahok na nagsagawa ng anumang pagtatangka na makakuha ng higit sa tinukoy na dami ng boto sa pamamagitan ng paggamit ng marami o iba’t ibang Netflix account, profile, registration o login, o anupamang paraan. Puwedeng sumailalim sa pag-verify at pag-certify ng isang independent third party auditor ang pakikilahok sa Mga Real-Time Interactivity Feature. Hindi pinapayagan ang paggamit ng mga bot, o automatic, programmed, robotic, o mga katulad na pamamaraan ng pakikilahok. Madi-disqualify ang mga kalahok na hindi sumunod sa mga tuntuning ito o sinumang sinusubukang makialam sa proseso o operation ng Mga Real-Time Interactivity Feature sa anumang paraan at hindi bibilangin ang kanyang entry o boto.
Nasa ilalim ng sarili at final na pagpapasya ng Netflix ang lahat ng desisyon tungkol sa proseso ng Mga Real-Time Interactivity Feature at hindi puwedeng kuwestiyunin o iapela. Kung sakaling hindi makatuwirang magkaroon ng desisyon o resulta ng mga entry dahil sa isang teknikal na isyu o para sa anupamang dahilan na wala sa makatuwirang kontrol ng Netflix o mga partner nito, magpapasya ang Netflix tungkol sa resulta nito at magiging final ang desisyong ito at hindi puwedeng iapela. HIndi ituturing na proof of receipt ng entry sa Netflix ang proof of submission. Inilaan ng Netflix ang karapatan, batay sa sarili nilang pagpapasya, na i-cancel, tapusin, baguhin, o suspendihin ang Mga Real-Time Interactivity Feature kung magkaroon ng anumang virus, bug, hindi awtorisadong pakikialam ng tao, epidemic, pandemic, panloloko, o iba pang dahilan na wala sa kanilang kontrol ang nag-corrupt o nakaapekto sa pangangasiwa, seguridad, pagiging patas, o wastong pagsasagawa ng proseso ng Mga Real-Time Interactivity Feature.
Release. Walang responsibilidad o pananagutan ang Netflix, at mga subsidiary, affiliate, partner, representative, agent, successor, assign, empleyado, opisyal, at direktor nito (sama-samang tatawaging “Mga Ni-release na Entity”) para sa anumang uri ng pag-malfunction, error, o problema sa teknikal, hardware, software, telepono, o iba pang komunikasyon, pagkawala o hindi available na koneksyon sa network, Internet, o availability ng ISP, hindi awtorisadong pakikialam ng tao, traffic congestion, hindi kumpleto o hindi tumpak na pag-record ng mga entry o impormasyon ng pakikilahok (anuman ang dahilan) o anumang hindi naisagawa, hindi natapos, magulo, hindi nakaayos, o naantalang online transmission na posibleng naglimita sa kakayahan ng isang taong lumahok sa pagboto, kasama ang anumang pinsala o sira sa platform ng kalahok o sinumang tao, computer o mobile device na nauugnay sa o nagreresulta mula sa pakikilahok sa anumang material na nauugnay sa Mga Real-Time Interactivity Feature. Walang responsibilidad ang Mga Ni-release na Entity para sa anumang pagkawala, pagkahuli, hindi mabasa, hindi natapos, invalid, hindi maintindihan, teknikal na na-corrupt, o na-misdirect na boto, na madi-disqualify.
Mga Tanong. Para mahanap ang iba pang impormasyon tungkol sa Mga Real-Time Interactivity Feature, o kung mayroon kang mga tanong, pumunta sa Help Center ng Netflix, na maa-access sa website na netflix.com.