Paano makikita ang history ng panonood at activity sa device

Makikita mo ang mga TV show at pelikulang napanood sa bawat profile sa account mo.

  1. Sa web browser, pumunta sa Account page mo.

  2. Sa seksyong Profile at Mga Kontrol ng Magulang , piliin ang profile na gusto mong makita.

    • Sa ilang account, piliin ang Mga Profile, pagkatapos ay pumili ng profile. 

  3. Buksan ang Activity sa panonood.

  4. Kung limitadong list ang nakikita mo, gamitin ang button na Magpakita pa.

Para mag-download ng list sa isang spreadsheet, piliin ang I-download lahat sa ibaba ng page. Puwedeng buksan ang na-download na file gamit ang kahit anong spreadsheet software na may support sa CSV file format.

Paalala:
Kung hindi na active ang account mo, kailangan mong mag-download ng kopya ng impormasyon mo para makita mo ang history ng panonood mo.

Puwede ka ring makakita ng list ng mga device na kakagamit lang ng account mo.

Mga Kaugnay na Article