Paano magtago ng mga title sa history ng panonood
Kapag nagtago ka ng mga title sa history ng panonood mo:
Hindi lalabas ang mga ito sa Netflix bilang TV show o pelikulang napanood mo na.
Hindi gagamitin ang mga ito para magbigay sa iyo ng mga rekomendasyon, maliban kung papanoorin mo ulit ang mga iyon.
Aalisin ang mga iyon sa row na Ituloy ang Panonood.
Paano magtago ng mga title sa history ng panonood mo:
Sa web browser, pumunta sa Account page mo.
Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.
Buksan ang Activity sa Panonood para sa profile na iyon.
Sa page na Pinapanood, i-click ang hide icon sa tabi ng episode o title na gusto mong itago. Kung episode ang itatago mo, makakakita ka ng option na itago ang buong series.
Para itago ang buong history ng panonood mo, piliin ang option na Itago lahat sa ibaba ng page at i-confirm.
Posibleng abutin nang hanggang 24 na oras bago maalis sa lahat ng device mo ang isang itinagong title. Hindi puwedeng itago ang mga title kung pinuntahan ang page na Activity sa panonood mula sa isang Netflix Kids profile.
Tingnan ang help page ng Privacy at Seguridad namin para sa impormasyon tungkol sa iba pang paksa.