Hanapin ang PayPal Invoice ID o Billing ID

Kung gumagamit ka ng PayPal para magbayad sa Netflix, kailangang i-verify ng aming Customer Service team ang PayPal Invoice ID o Billing ID mo para makagawa ng mga pagbabago sa Netflix account mo.

Paalala:Kung ayaw mong ibigay ang impormasyong ito, puwede kang gumawa ng mga pagbabago sa account mo mula mismo sa Account page mo.

Hanapin ang PayPal Invoice ID mo gamit ang PayPal

  1. Pumunta sa PayPal Activity page mo (baka hilingin sa iyo na mag-sign in).

  2. Piliin ang pinakabagong singil sa Netflix.com.

  3. Tingnan ang Invoice ID.

Hanapin ang PayPal Invoice ID mo gamit ang Email

  1. Pumunta sa email account na ginamit mo para i-set up ang PayPal.

  2. I-search ang mga email mula sa service@paypal.com para sa pinakabagong resibo ng pagbili sa Netflix.com.

  3. Piliin ang Tingnan o I-manage ang Pagbabayad.

    • Ire-redirect ka sa PayPal para tingnan ang transaksyon mo (baka hilingin sa iyo na mag-sign in).

  4. Tingnan ang Invoice ID sa page ng mga detalye ng transaksyon.

Paalala:Kung hindi ka nakakatanggap ng mga email mula sa PayPal, posibleng kailangan mong i-update ang notification settings mo sa PayPal.

Hanapin ang PayPal Billing ID mo gamit ang PayPal

Browser:

  1. Pumunta sa Manage Automatic Payments sa PayPal account mo (baka hilingin sa iyo na mag-sign in).

  2. Piliin ang Netflix.com sa list ng Automatic Payments.

    • Kung nakalista nang maraming beses ang Netflix.com, magsimula sa itaas at tingnan ang bawat isa hanggang sa makita mo ang Total billed amount na mas malaki sa $0.00.

      Paalala:Ang mga may total billed amount na $0.00 ay karaniwang nangangahulugan na pumalya ang transaksyon, at kailangan namin ang billing ID mula sa matagumpay na transaksyon.

  3. Tingnan ang Billing ID (B-XXXXXXXXXXXXXXXXX).

PayPal App:

  1. Mag-login sa PayPal App.

  2. Pindutin ang Payments tab > Netflix > Manage.

  3. Tingnan ang Billing ID (B-XXXXXXXXXXXXXXXXX).

I-update paraan ng pagbabayad para sa PayPal

Para i-update ang paraan ng pagbabayad para sa PayPal account mo, pumunta sa website ng PayPal o makipag-ugnayan sa customer support ng PayPal para sa tulong.

Mga Kaugnay na Article