Billing at mga Pagbabayad

Credit card and Netflix receiptAng mga singil sa iyo para sa serbisyo ng Netflix

Makikita ang billing history mo, kasama ang presyo at mga naaangkop na buwis para sa subscription mo, sa history ng pagbabayad sa account page mo.

Makikita ang billing history mo, kasama ang presyo at mga naaangkop na buwis para sa subscription mo, sa history ng pagbabayad sa account page mo.

Paghambingin ang mga plan at presyo, at magpalit ng plan kahit kailan.

Reviewing Netflix subscription with calendar and receipt

Bilang member, automatic kang sisingilin nang isang beses kada buwan sa petsa kung kailan ka nag-sign up. Sinisingil ang subscription mo sa Netflix sa simula ng billing cycle mo at posibleng abutin nang ilang araw bago ito lumabas sa account mo.

  • Posibleng mauna o mahuli nang isang araw ang billing date mo dahil sa pagkakaiba ng time zone.

  • Kung wala sa lahat ng buwan ang araw ng billing date mo (halimbawa, sa ika-31), sisingilin ka na lang sa huling araw ng buwang iyon.

  • Kung binabayaran mo ang Netflix sa isang third party, posibleng iba ang billing date mo sa Netflix kaysa sa billing date ng provider mo.

Pumunta sa page na I-manage ang info sa pagbabayad para mag-add ng paraan ng pagbabayad. Alamin pa, pumunta lang sa paano mag-add o mag-update ng paraan ng pagbabayad.

Kung gusto mong palitan kung paano ka nagbabayad sa Netflix, may ilan kaming option sa pagbabayad.

Cards with warning icon, indicating payment issueLumutas ng mga isyu sa pagbabayad

Kung may problema sa paraan mo ng pagbabayad, nandito ang ilan sa mga pinakakaraniwang sanhi na may kasamang suggestions para malutas ang isyu.

Kung na-decline ng bangko o financial institution ang singil:

  • Tingnan kung tama ang impormasyon mo sa pagbabayad tulad ng postal code, security code, at expiration date.

  • Kung nagkakaproblema ka pa rin, siguruhing tumatanggap ng mga e-commerce na transaksyon ang paraan mo ng pagbabayad.

Maraming option sa pagbabayad para sa Netflix, kasama na ang mga credit o debit card, at mga third party. Kung hindi gumagana ang isa sa mga tinatanggap naming paraan ng pagbabayad, makipag-ugnayan sa amin para magpatulong.

Kung sinisingil ka sa isang third party o may package ka na may Netflix, maraming posibleng dahilan para ma-cancel ang account mo.

  • May isyu sa pagbabayad mo.

    • Third-party: Mag-sign in sa third-party account mo para lutasin ang isyu sa pagbabayad, at sumali ulit sa Netflix.

      • Kung hindi ka makasali ulit sa tulong ng isang third party, puwede kang sumali ulit sa Netflix.com at mag-add ng ibang paraan ng pagbabayad.

    • Package: Mag-sign in sa package account mo para lutasin ang isyu sa pagbabayad, at i-link ulit ang Netflix account mo.

  • Nag-pause o nag-cancel ka ng package na may Netflix at walang ibang naka-file na paraan ng pagbabayad.

    • Kung active pa rin ang package mo, i-link ulit ang Netflix account mo.

    • Kung na-cancel mo ang package mo, mag-sign in sa Netflix account mo at mag-add ng bagong paraan ng pagbabayad.

Magnifying glass on Netflix receipt, for billing inquirySiyasatin ang mga hindi inaasahang singil

May ilang posibleng dahilan kung bakit posible kang makakita ng singil na mas malaki kaysa sa inaasahan mo.

  • Mga Tax - Depende kung saan ka nakatira, puwede kang singilin ng mga tax bukod pa sa presyo ng subscription mo.

  • Mga Bayad - Sa ilang bansa, puwedeng maningil ng dagdag na bayad ang mga card company para sa mga transaksyon sa ibang bansa. Posibleng gawing USD ng ilang bansa ang currency kahit na sa lokal na currency kami naniningil.

  • Mga pagbabago sa plan - Kung na-upgrade mo o ng sinumang nasa tirahan mo ang Netflix plan mo, makikita sa bill mo ang mas mahal na presyo ng plan.

Kung naka-schedule ang billing date mo sa araw na wala sa partikular na buwan (gaya ng ika-31), sisingilin ka na lang sa huling araw ng buwang iyon.

Kung may pagbabago sa presyo o pinalitan mo ito ng mas mahal na plan, puwede kang singilin nang mas maaga kaysa sa inaasahan.

Sinisingil ang mga Netflix member nang isang beses kada buwan sa petsa kung kailan sila nag-sign up.

Kung nag-sign up ka kamakailan sa Netflix, o member ka na nagpalit ng paraan ng pagbabayad o sinubukan mo ulit na magbayad matapos ma-decline, puwede kang makakita ng authorization request na lumalabas bilang pending na transaksyon sa statement mo. Walang sinisingil sa mga authorization pero puwedeng makaapekto ang mga ito sa available mong balance hanggang sa i-release na ng bangko mo ang pondo pagkalipas ng ilang araw.

  • Kung naubos ang available na balance sa account mo dahil sa authorization request, hindi namin mapo-process ang singil ng Netflix. Kung mangyayari ito, kailangan mong magdagdag ng pondo sa account mo o gumamit ng ibang paraan ng pagbabayad.

Kung nakakakita ka ng maraming singil o mga singil na pinaniniwalaan mong hindi authorized ng Netflix, sundin ang steps na ito.

Mga Kaugnay na Article