Ano ang Netflix?

Pag-stream ng titles ng Netflix sa iba't ibang device

Ang Netflix ay isang subscription-based streaming service kung saan makakapanood ang aming members ng mga TV show at pelikula sa device na naka-connect sa Internet.   

Depende sa plan mo, puwede ka ring mag-download ng mga TV show at pelikula sa iOS, Android, o Windows 10 device mo at panoorin ito nang walang internet connection.

Kung member ka na at gusto mong alamin pa ang tungkol sa paggamit ng Netflix, pumunta sa Pagsisimula sa Netflix.


Mga TV Show at Pelikula

Mga larawan sa isang anggulo na nagpapakita ng iba't ibang TV show at pelikulang nagsi-stream sa Netlfix

Nakadepende sa rehiyon ang content ng Netflix at posible itong magbago sa paglipas ng panahon. Puwede kang manood ng iba't ibang premyadong original mula sa Netflix, TV show, pelikula, documentary, at iba pa

Kapag mas madalas kang manonood, mas gagaling ang Netflix sa pag-recommend ng mga TV show at pelikula.


Mga Supported Device

Ilang device na supported ng Netflix na ipinapakita mula sa itaas

Puwede kang manood ng Netflix sa kahit anong device na naka-connect sa internet na may Netflix app, kasama ang mga smart TV, game console, streaming media player, set-top box, smartphone, at tablet. Puwede ka ring manood ng Netflix sa computer mo gamit ang internet browser. Puwede mong tingnan ang system requirements para sa compatibility ng web browser, at tingnan ang aming mga rekomendasyon sa bilis ng internet para makuha ang pinakamagandang performance.

Paalala:
May maliit na porsyento ng mga device na posibleng hindi supported ng lahat ng plan.

Kailangan mo ba ng tulong sa pag-set up? Hanapin sa Help Center namin ang manufacturer ng device na ginagamit mo.

Paalala:
Posibleng may Netflix app na ang ilang device, o baka kailangan mong i-download ang Netflix app sa device mo. Posibleng mag-iba-iba ang functionality ng Netflix app depende sa device.

Mga Plan at Presyo

Ang Netflix ay may mga plan kung saan makakapanood ka sa 1, 2, o 4 na screen nang sabay-sabay

Nakadepende sa bawat Netflix plan ang bilang ng mga device kung saan ka puwedeng manood ng Netflix nang sabay-sabay at kung puwede kang manood sa High Definition (HD), Full High Definition (FHD), o Ultra High Definition (UHD).

Puwede mong palitan ang plan mo o mag-cancel online kahit kailan.


Magsimula

Para magsimulang manood ng Netflix:

  1. Pumunta sa netflix.com/signup.

  2. Pumili ng plan.

  3. Gumawa ng account sa pamamagitan ng paglalagay ng email address mo at paggawa ng password.

  4. Maglagay ng paraan ng pagbabayad.

Bilang Netflix member, sisingilin ka isang beses kada buwan sa petsa kung kailan ka nag-sign up. 

Mga Kaugnay na Article