Paano nagsi-stream ng mga video ang Netflix
Nagpapadala ang Netflix ng mga pelikula at TV show sa screen mo gamit ang internet, pero kailangan namin ng tulong. Maraming dinadaanan ang content namin bago ito makarating sa iyo, tulad ng mga server, ng internet, at network ng internet provider mo.
Nagsisimula ito kapag pinindot mo ang 'I-play'
Kapag pinindot mo ang i-play, ipinapadala ng Netflix ang video sa internet provider mo gamit ang pinakamabilis na posibleng paraan. Ituring itong parang pagmamaneho sa kalsada. Kapag nagpapadala ng video ang Netflix, sinusubukan naming iwasan ang traffic, mga aksidente, at construction sa daan para mabilis na maipadala sa iyo ang video. Magiging mas maganda ang quality ng video mo kapag mas maikli ang daan.
Hindi namin ito magagawa nang walang tulong
Pagkatapos ipadala ng Netflix ang video sa internet provider mo, dumadaan ito sa kanilang network para makarating sa bahay mo. Kung masyadong mabagal o may mga problema ang kanilang network, posibleng maapektuhan nito ang quality ng video mo o posibleng magdulot ito ng mga problema sa experience mo sa Netflix.
Kung walang problema sa daan, direktang ipapadala ng internet provider mo ang video sa screen mo. Puwede ring makaapekto sa quality ng video ang lakas ng internet connection mo sa bahay, at dami ng device sa bahay mo na sabay-sabay na gumagamit sa internet.
Tulong kapag kailangan mo nito
Ang bagal sa alinmang bahagi ng connection sa pagitan ng Netflix at screen mo ay posibleng makaapekto sa quality ng video streaming mo at posible ring magdulot ng mga problema sa pag-stream.
Kung may nakikita kang error, i-search ang error code sa Help Center ng Netflix.
Kung mahina o mabagal ang internet connection mo, posibleng makatulong ang mga article na ito:
Kung hindi nakalista rito ang problema mo, mag-search sa aming Help Center para sa problemang nararanasan mo.