Pagsisimula sa Netflix
Welcome sa Netflix! Makikita mo sa ibaba ang ilang impormasyon para makapagsimula ka. Kung hindi mo nakitang tinalakay rito ang isang paksa, subukang i-search iyon sa Help Center namin. Kung hindi ka pa nag-sign up at gusto mong alamin ang higit pa, pumunta sa Ano ang Netflix?
Pag-sign in
Kapag nabuksan mo na ang Netflix app o ang website ng Netflix, piliin ang Mag-sign In para ma-access ang account mo at magsimulang manood ng mga TV show at pelikula. Puwede kang mag-sign in sa kahit anong device na compatible sa Netflix o sa maraming compatible na device. Kung may nararanasan kang kahit anong isyu, i-review ang steps para sa pag-troubleshoot sa Hindi maka-sign in sa Netflix. Kung wala kang Netflix app, pumunta sa Paano i-download ang Netflix app.
Paggawa ng mga profile
Puwede kang gumawa ng mga profile para sa mga kasama mo sa tirahan, para magkaroon din sila ng sarili nilang personalized experience sa Netflix. Puwedeng magkaroon ng hanggang limang indibidwal na profile ang account mo, at puwede kang mag-set ng maturity rating level sa bawat isa. Magkakaroon ang bawat profile ng sarili nitong mga rekomendasyon batay sa mga rating at interes ng profile.
Paghahanap ng mga TV show at pelikula
Puwede kang mag-search ng mga title na interesado ka o mag-browse sa mga suggestion na ibinigay ng Netflix. Kapag nanood ka na at nag-rate ng mga title, magpapakita ng mga rekomendasyon ang Netflix. Puwede mo ring i-enable ang mga subtitle, caption, o alternate audio sa maraming title, o i-browse ang mga title na may gusto mong subtitle o wika ng audio.
Pag-manage ng account mo
Puwede mong i-update ang impormasyon ng account mo kahit kailan, at baguhin ang email mo, phone number, o membership plan, piliin lang ang option na Account sa loob ng Netflix menu. Sa Profile at Mga Kontrol ng Magulang, maa-adjust mo rin ang mga control ng content, gaya ng playback preferences, wika, at mga subtitle. Makakatulong sa iyo ang article sa ibaba para malaman kung paano i-manage ang account mo.
Membership at billing
Mga detalye ng plan
Mga Setting
Profile Ko
Pag-stream sa iba't ibang device
Kung hindi lang isa ang device mo na compatible sa Netflix, puwede kang lumipat sa ibang device kahit kailan. Ang membership plan mo ang magsasabi kung ilang screen ang puwede mong panooran nang sabay-sabay, pero hindi nito nililimitahan ang bilang ng device na puwede mong iugnay sa account mo. Kung gusto mong manood sa bago o ibang device, mag-sign in sa Netflix sa device na iyon. Puwede kang makakita ng higit pang impormasyon tungkol sa mga device na compatible sa Netflix, o aming article sa pag-download ng Netflix app para sa tulong sa pag-set up ng bagong device.
Panonood nang on the go
Maa-access mo ang Netflix sa mahigit 190 bansa sa buong mundo. Kung alam mong mag-o-offline ka, puwede kang mag-download ng mga TV show at pelikula sa Netflix. Para makapanood mula sa ibang latitude o time zone, alamin kung ano ang aasahan habang bumibyahe o lumilipat ng lokasyon.