Kung nagkakaisyu ka sa pag-sign in sa Netflix account mo, piliin ang option na pinakatugma sa isyu mo.
Kung may nakikita kang message ng error o maling password
Kung nakalimutan mo ang password mo o sinabi ng Netflix na mali ang password mo, baka kailangan mong i-reset ang password mo.
Kung gamit mo ang Netflix sa isang TV o device na naka-connect sa TV mo, subukang mag-sign in gamit ang phone o web browser.
Mag-sign in gamit ang phone
Sa TV mo, buksan ang Netflix at piliin ang Mag-sign in.
Itapat ang camera ng phone o tablet mo sa TV at i-tap ang lalabas na link.
Sundin ang steps sa phone o tablet mo para mag-sign in sa TV mo.
Tandaan: Kung wala kang nakikitang sign-in code ayon sa pinapakita sa larawan, kakailanganin mong gamitin ang remote mo para makapag-sign in.
Mag-sign in gamit ang web browser
Sa computer o mobile device mo, pumunta sa netflix.com/tv2. Kung mayroon kang Apple TV, pumunta sa netflix.com/atv.
Sundin ang steps sa browser mo para mag-sign in sa TV mo. Posibleng kailangan mong mag-sign in muna sa Netflix.
Tandaan:Kung wala kang nakikitang sign-in code ayon sa pinapakita sa larawan, kakailanganin mong gamitin ang remote mo para makapag-sign in.
Kung hindi ka makapag-sign in o kung nakakuha ka ng message ng maling password, kakailanganin mong palitan ang password mo.
Kung nakikita mo ang isa sa mga error message na ito, pumunta sa katugmang article para sa tulong:
Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, wala kaming makitang account na may ganitong email address.'
Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, nagkaproblema. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon.'
Sabi ng Netflix, 'Nagkaproblema sa pag-sign in.'
Kung ibang error message ang nakikita mo, o kung may nakikita kang error code, i-search sa aming Help Center ang eksaktong message o code para humanap ng katugmang article.
Kung hindi ka makapag-sign in sa kahit anong device
Subukang mag-sign in sa Netflix account mo sa ibang device. Kung hindi ka makapag-sign in sa kahit anong device, baka kailangan mong i-update ang account mo. Baka makatulong ang mga article na ito:
Nakalimutan o kailangang palitan ang password mo sa Netflix
Nakalimutan ang email o phone number para sa Netflix
Nagpapa-sign up ang Netflix kapag sinusubukang mag-sign in
Binago ang email ng Netflix account nang walang pahintulot
Kung nakakapag-sign in ka sa isang device pero hindi sa iba, pumunta sa susunod na option.
Kung nakakapag-sign in ka sa isang device pero hindi sa iba
Kung nakakapag-sign in ka sa isang device pero hindi ka makapag-sign in sa ibang device gamit ang parehong email o phone number at password, baka may problema sa device o home network mo.
Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.
TV o device na naka-connect sa TV
Gamit ang steps na ito, maaayos ang mga problema sa pag-sign in sa mga smart TV at device na naka-connect sa TV, kasama na ang: mga streaming stick at media player, cable box, Apple TV, at Xbox o PlayStation game console.
I-check ang email at password mo
Siguraduhing tama ang email na ipinapakita sa TV mo. Kung hindi, i-click ang Previous para bumalik at ayusin ito.
Ilagay ulit ang password mo, at tandaan na case-sensitive ang mga password sa Netflix. I-click ang arrow sa screen para magpapalit-palit sa malalaki at maliliit na titik. I-click ang Show Password para makita ang password mo at i-confirm na tama ito.
I-restart ang device mo
I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.
Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.
Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.
I-reset ang password mo
Baka kailangan mong i-reset ang password mo. Pumunta sa Paano magpalit o mag-reset ng password mo para gawin ito.
I-restart ang home network mo
I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.
Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.
Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.
Subukan ulit ang Netflix.
Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.
I-restore ang default na connection settings mo
Kung binago mo ang connection settings sa device mo, kailangan mong ibalik ang mga ito sa default.
Posibleng kasama sa settings na ito ang:
Custom modem settings.
Virtual Private Network (VPN) o proxy service settings.
Custom DNS settings.
Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabago sa settings na ito, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.
Kapag na-reset mo na ang settings na ito, subukan ulit ang Netflix.
Makipag-ugnayan sa internet service provider mo
Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.
Magagawa ng ISP mo na:
Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.
Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.
I-restart o i-reset ang connection ng network mo.
Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:
Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.
Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.
Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:
Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.
Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.
Android phone o tablet
Tandaan:Case-sensitive ang mga password sa Netflix.
Siguraduhing tama ang email mo at ayusin ang anumang error o typo.
Ilagay ang password mo, at i-tap ang Ipakita para siguraduhing tama ito.
I-tap ang Mag-sign In.
Kung sinasabi ng Netflix na, "Invalid na Email", subukang gamitin ang phone number at password mo para mag-sign in.
Kung hindi iyon gagana, pumunta sa susunod na steps.
Mag-update o mag-alis ng mga naka-save na password
Magse-save ng mga password ng app ang ilang device. Baka kailangan mong i-update o alisin ang naka-save mong password para sa Netflix para makapag-sign in ka.
Kung mina-manage mo ang mga password mo gamit ang Google:
Pumunta sa Settings at i-search ang Password Manager.
Sa Google Play services, i-tap ang Password Manager.
Sa list, hanapin at i-tap ang Netflix. Baka kailangan mong ilagay ang screen lock mo.
I-tap ang Delete para alisin, o Edit para i-update ang password mo sa Netflix.
Kung gumagamit ka ng Samsung Pass:
Pumunta sa Settings > Biometrics and security > Samsung Pass. Baka kailangan mong ilagay ang password mo sa Samsung.
Sa IDs and passwords i-tap ang Apps.
Sa list, hanapin at i-tap ang Netflix,
I-tap ang Delete, at i-tap ulit ang Delete para i-confirm.
I-clear ang Netflix app data
Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.
Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.
I-tap nang matagal ang Netflix app, at i-tap ang App info.
I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.
Paalala:Posibleng iba ang steps para i-clear ang data ng app para sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.
iPhone o iPad
I-restart ang iPhone o iPad mo
Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.
Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.
Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.
Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.
Kung gumagamit ka ng iCloud Keychain para mag-save ng mga password, baka kailangan mong i-update o alisin ang password mo sa Netflix at subukan ulit. Pumunta sa site ng Apple Support para sa steps sa pag-update o pag-aalis ng naka-save na password.
Computer o web browser
I-clear ang cookie ng Netflix
Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.
Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.
I-update ang web browser mo
Pumunta sa Mga browser na supported ng Netflix para i-update ang web browser mo o kumuha ng ibang browser.
I-on ang cookies sa browser mo
Sa kanang sulok sa itaas ng Chrome, i-click ang Menu, pagkatapos ay i-click ang Settings.
Sa kaliwa, i-click ang Privacy and security.
I-click ang Third-party cookies.
Siguraduhing naka-on ang setting para sa Allow third-party cookies.
Sa kanang sulok sa itaas ng browser, i-click ang Settings and more.
I-click ang Settings.
I-click ang Cookies and site permissions.
I-click ang Manage and delete cookies and site data.
Siguraduhing naka-on ang Allow sites to save and read cookie data (recommended).
Firefox
Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu, at i-click ang Settings.
Sa kaliwa, i-click ang Privacy & Security.
Mag-scroll pababa sa History. Sa tabi ng Firefox will, i-click ang drop-down menu.
Piliin ang Remember history, at i-click ang Restart Firefox now.
Piliin ang Menu sa kaliwang sulok sa itaas ng browser mo.
Piliin ang Settings.
Mag-scroll pababa hanggang sa makita mo ang Cookies.
Siguraduhing pinili ang option na Allow local data to be set (recommended).
Isara ang tab na Settings para ma-save ang bago mong settings.
Safari
Sa kaliwang sulok sa itaas, i-click ang Safari.
I-click ang Settings, pagkatapos ay i-click ang Advanced.
Siguraduhing walang check ang Block all cookies.
Isara ang window, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.
Kung gumagamit ka ng Netflix app para sa Windows, sundin ang steps para sa computer mo.
I-reset ang Netflix app para sa Windows 10
Resetting the app will sign you out of Netflix.
Click the Start menu, then click the Settings button.
Click Apps.
Under Apps & features, scroll down and click Netflix > Advanced options.
Under Reset, click the Reset button.
Try Netflix again.
I-reset ang Netflix app para sa Windows 11
Kapag ni-reset mo ang app, masa-sign out ka sa Netflix.
I-click ang Start menu, pagkatapos ay i-click ang Settings.
Sa kaliwa, i-click ang Apps > Mga naka-install na app.
Mag-scroll pababa para hanapin ang Netflix app.
Sa tabi ng Netflix app, i-click ang Menu, at i-click ang Mga advanced na option.
Sa ilalim ng I-reset, i-click ang button na I-reset.
Subukan ulit ang Netflix