Ayusin ang mga isyu sa mga sign-in o sign-up code, link, o one-time password

Kung nagkakaproblema ka sa pag-sign up para sa Netflix gamit ang link o pag-sign in sa account mo gamit ang code, sundin ang steps sa seksyon na pinakamainam para sa isyu mo.

Kung hindi ka pa nakakatanggap ng sign-up link:

  1. Siguraduhing tama ang pagkalagay ng email address mo.

  2. Tingnan ang anumang junk, spam, at pang-promo na folder sa inbox ng email mo.

  3. Kung hindi mo pa rin mahanap ang link:

    • Piliin ang Magpadala ng Link para ipadala ito ulit, o

    • Piliin ang Gumawa na Lang ng Password para mag-sign up para sa account gamit ang password.

Kung hindi ka pa nakakatanggap ng sign-up link:

  1. Siguraduhing tama ang pagkalagay ng phone number mo.

  2. Piliin ang Magpadala ulit ng code o

  3. Piliin ang Kumuha ng Tulong, pagkatapos ay Password na lang ang gamitin para mag-sign in gamit ang kasalukuyan mong password.

Mag-e-expire ang mga link at code pagkalipas ng 15 minuto pagkatapos i-request ang mga ito. Kung nag-request ka ng maraming link/code, siguraduhing kini-click mo ang pinakabago na ipinadala sa email/SMS mo.

Kung mas gusto mong mag-sign in gamit ang kasalukuyan mong password:

  1. Piliin ang Mag-sign In.

  2. Ilagay ang email address o phone number mo at piliin ang Magpatuloy.

  3. Piliin ang Humingi ng Tulong para i-expand ang menu.

  4. Piliin ang Password na lang ang gamitin.

  5. Ilagay ang password mo at piliin ang Mag-sign In.

Tandaan: Kahit na piliin mong mag-sign in gamit ang password, magpapadala pa rin ng sign-in code sa pamamagitan ng email o text message.

Nasa baba ang listahan ng mga error message na maaaring makuha mo kapag nag-click ka ng link para makakuha o maglagay ng sign-in code, kasama ng mga fix nila:

Error message

Fix

"Maling code."

Hindi nag-match ang code na inilagay mo sa ipinadala na code o nag-expire na ito. I-click ang Magpadala uilit ng code at siguraduhing ilagay ang pinakabagong sign-in code mula sa email o SMS mo.

"Nagkaproblema

Password na lang ang gamitin."

Baka masyadong maraming beses mo sinubukang ilagay ang sign-in code. Subukang mag-sign in gamit ang password mo, o maghintay ng ilang minuto at subukang ipadala ulit ang sign-in link/code.

"Bago sa Netflix? Ilagay ang email address mo para magsimula, o ilagay ang mobile number mo at subukan ulit."

Hindi namin nakikilala ang email address o phone number na inilagay mo. Kung may Netflix account ka na, siguraduhing tama ang pagkalagay ng login information mo at subukan ulit. Kung hindi ito gumana, subukang gamitin ang password mo para mag-sign in sa account mo.

"Hindi kami makapagpadala ng sign-in code sa (EMAIL/PHONE). Gamitin ang password mo o subukan ulit sa ibang pagkakataon."

Nagkaproblema kami sa pagpapadala ng sign-in link o code sa email address o phone number na nasa file namin. Subukang gamitin ang password mo para mag-sign in.

"Paumanhin, hindi kami makapagpadala ng bagong code sa ngayon. Gamitin ang password mo o subukan ulit sa ibang pagkakataon."

Baka nag-request ka ng masyadong maraming sign-in link/code. Subukang gamitin ang password mo para mag-sign in, o mahintay ng ilang minuto bago subukan ulit.

"Nagkaproblema

Nakakaranas kami ng mga teknikal na problema at inaayos na namin ito ngayon. Pakisubukan ulit pagkalipas ng ilang minuto."

Nagkaproblema sa pag-connect sa Netflix account mo. Subukang gamitin ang password mo para mag-sign in. Kung hindi ito gumana, subukan ulit mag-sign in sa ibang pagkakataon.

"Paumanhin, kailangang i-reset ang password para sa account na ito. I-reset ang password mo para ma-access ang account mo."

Nagkaproblema sa pag-connect sa Netflix account mo. Pumunta sa netflix.com/loginhelp para i-reset o palitan ang password mo. Basahin ang article na ito para alamin pa.

Kung nagkakaproblema ka pa rin pagkatapos sundin ang instructions sa itaas, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article