Paano gumawa, magpalit, o mag-delete ng mga profile

Puwedeng magkaroon ng kanya-kanyang personalized experience sa Netflix ang mga taong nakatira sa iisang tirahan. Puwede kang magkaroon ng hanggang 5 profile sa isang Netflix account.

Tandaan:Hindi available ang mga profile sa mga device na ginawa bago ang 2013. May 1 profile ang mga extra member account at hindi puwedeng gumawa ng mga karagdagang profile.

Ang bawat profile ay may sarili nitong:

  • Preference sa wika

  • Maturity level

  • Mga partikular na restriction sa panonood

  • Profile lock

  • Log ng activity ng panonood

  • Game handle

  • Mga game save

  • Hitsura ng subtitle

  • Mga setting ng playback

  • Mga personalized suggestion sa TV show at pelikula

  • List Ko

  • Mga rating

  • Email (para sa mga email ng notification, at mga profile lang na may Lahat ng Maturity rating)

Tandaan:Wala sa mga Pambatang profile ang ilang feature sa profile.

Puwedeng mag-add ng mga profile sa mga device na ginawa pagkalipas ng 2013.

Tandaan:May 1 profile ang mga extra member account at hindi puwedeng gumawa ng mga karagdagang profile.

  1. Pumunta sa seksyon na I-manage ang mga Profile sa device mo:

    • TV o TV streaming device: Pumunta sa screen ng pagpili ng profile at piliin ang Mag-add ng Profile+.

    • Web browser: Pumunta sa page mo na I-manage ang mga Profile.

    • Android phone o tablet, iPhone, o iPad:

      1. Buksan ang Netflix app.

      2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

      3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

      4. I-tap ang I-manage ang mga Profile.

  2. Piliin ang Mag-add ng Profile.

  3. Pangalanan ang profile.

  4. Para gamitin ang Experience sa Netflix Kids, piliin ang Pambata.

  5. Piliin ang Magpatuloy o I-save. Dapat lumabas ang bagong profile sa list ng mga profile sa account mo.

Kung hindi ka makagawa ng profile gamit ang device mo, pumunta sa Netflix.com sa web browser at sundin ang steps sa itaas.

Puwede kang mag-delete ng mga profile sa karamihan ng mga device. Hindi made-delete ang main profile sa account mo. Para i-delete ang kasalukuyang profile, posibleng kailangan mong lumipat sa ibang profile para kumpletuhin ang steps sa ibaba. Kapag nag-delete ka ng profile, mawawala na ang history ng panonood at mga game save para sa profile na iyon.

  1. Pumunta sa seksyon na I-manage ang mga Profile sa device mo:

    • TV o TV streaming device: Pumunta sa screen ng pagpili ng profile.

    • Web browser: Pumunta sa page mo na I-manage ang mga Profile.

    • Android phone o tablet, iPhone, o iPad:

      1. Buksan ang Netflix app.

      2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

      3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

      4. I-tap ang I-manage ang mga Profile.

  2. Piliin ang profile na gusto mong i-delete at piliin ang icon na I-edit.

  3. Piliin ang I-delete ang Profile.


Kung hindi ka makapag-delete ng profile sa device mo, puntahan ang Netflix.com sa web browser at sundin ang steps sa itaas.

Puwede mong i-customize ang mga profile sa karamihan ng mga device.

  1. Pumunta sa seksyon na I-manage ang mga Profile sa device mo:

    • TV o TV streaming device: Pumunta sa screen ng pagpili ng profile.

    • Web browser: Pumunta sa page mo na I-manage ang mga Profile.

    • Android phone o tablet, iPhone, o iPad:

      1. Buksan ang Netflix app.

      2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

      3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

      4. I-tap ang I-manage ang mga Profile.

  2. Piliin ang profile na gusto mong baguhin at piliin ang icon na I-edit.

  3. Palitan ang pangalan, larawan, o maturity rating sa profile.

    Tandaan:Hindi magagawa ang mga pagbabago sa maturity rating sa TV o streaming device.

  4. Piliin ang Tapos na o I-save.

Kung hindi ka makapag-edit ng profile gamit ang device mo, pumunta sa netflix.com sa web browser at sundin ang steps sa itaas.

Puwedeng ma-access at ma-edit ng lahat ng profile user, maliban sa mga may Netflix Kids experience, ang mga kontrol ng magulang at mga pahintulot para sa mga indibidwal na profile. Kailangan ang password ng account mo para i-edit ang Mga restriction sa panonood o para mag-add, magbago, o mag-alis ng Profile Lock.

Para i-edit ang mga setting para sa indibidwal na profile:

  1. Pumunta sa seksyon na settings ng profile sa device mo:

    • Web browser:

      1. Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.

      2. Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.

    • Android phone o tablet, iPhone, o iPad:

      1. Buksan ang Netflix app.

      2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

      3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

      4. I-tap ang I-manage ang mga Profile.

      5. Piliin ang profile na gusto mong baguhin at piliin ang icon na I-edit.

  2. Piliin ang setting na gusto mong i-edit para sa profile na iyon.

  3. I-save/I-submit ang mga pinalitan mo.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Mga Kontrol ng Magulang sa Netflix.

Puwede kang maglagay ng ibang email address sa kahit anong secondary na Pangmatandang profile para makatanggap ka ng mga personalized na rekomendasyon at iba pang pakikipag-ugnayan mula sa Netflix. Hindi puwedeng gamitin sa pag-sign in sa Netflix account mo ang mga email address na nauugnay sa mga secondary profile.

Para maglagay ng email o palitan ang email na nauugnay sa isang secondary profile:

  1. Gamit ang browser, mag-sign in sa profile na gusto mong i-edit.

  2. Pumunta sa Account page.

  3. Piliin ang Mga Profile, at piliin ang profile mo.

  4. Piliin ang Email.

  5. Ilagay ang gustong email para sa profile.

  6. Piliin ang Maglagay ng Email.

    • Puwede mong piliin ang Palitan ang Email o I-delete ang Email kung nag-a-update ka ng kasalukuyang email.

Mga Kaugnay na Article