Puwede mong baguhin ang wika ng text na nakikita mo sa Netflix at ang wika ng audio at mga subtitle.
Baguhin ang wika ng display ng Netflix
Buksan ang Netflix app at pumunta sa screen ng pagpili ng profile.
Pumunta sa profile na gusto mong i-edit at piliin ang icon na I-edit.
Piliin ang Wika.
Pumili ng wika. Automatic na ise-save ang bagong wika.
Piliin ang Tapos na.
Buksan ang Netflix app.
Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.
Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.
I-tap ang I-manage ang mga Profile.
Piliin ang profile na gusto mong i-edit.
I-tap ang Wika ng Display.
Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.
Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.
Piliin ang Mga Wika.
Pumili ng Wika ng Display.
Piliin ang I-save.
Kung hindi mo nakitang nagbago ang wika sa device, kakailanganin mong mag-sign out at mag-sign in ulit.
Baguhin ang wika ng audio at subtitle
Buksan ang Netflix app at simulang mag-play ng TV show o pelikula.
I-pause ang Netflix, at piliin ang player controls sa ibaba ng screen.
Piliin ang Iba pa.
Piliin ang mga wikang gusto mo para sa Audio at Mga Subtitle. Automatic na mase-save ang mga pinili mo.
I-tap ang Audio at Mga Subtitle.
Pumili ng mga gustong wika mula sa Audio at Mga Subtitle. Automatic na ise-save ang bagong wika.
Pumili ng mga gustong wika mula sa Mga Wika ng mga Show at Pelikula/Mga wika ng audio at subtitle.
Paalala:Ipinapakita ng Netflix ang 5–7 nauugnay na wika sa mga TV at TV streaming device batay sa lokasyon at settings ng wika mo. Para sa mga Android phone at tablets, iPhone, iPad, at web browser, makikita mo ang lahat ng available na wika ng isang title. Hindi lahat ng wika ay available para sa lahat ng title.