Paano panatilihing secure ang account mo

Narito ang mga nangunguna naming rekomendasyon sa pagpapanatiling ligtas ng account at personal information mo.

Gumamit ng password sa Netflix na hindi mo ginagamit kahit saan

Kung ginagamit mo ang parehong kombinasyon ng email at password para sa higit sa isang website, app, o serbisyo, at makakuha ang attacker ng access sa isa sa mga ito, magagamit niya ang email at password na iyon para makuha ang anumang ibang account na gumagamit ng kombinasyong iyon.

Ang password mo ay dapat na:
  • Iba sa ginagamit mo sa kahit anong iba pang website o app

  • May kahit man lang 8 character

  • Kumbinasyon ng malalaki at maliliit na titik, numero, at simbolo

  • Hindi madaling mahulaan - gaya ng “password,” “12345678,” o gumagamit ng kahit anong personal information (pangalan, birthday, address)

Gamit ang password manager, puwedeng dumali ang pagsubaybay sa mga unique na password.

Puwede mong i-update ang password mo mula sa Account page mo, o puwede kang magpadala sa sarili mo ng password reset email o text message.

Iba pang bagay na dapat mong gawin

Puwede kang mag-sign out sa lahat ng device, o mag-sign out sa mga partikular na hindi ginagamit o hindi kilalang device na may bagong streaming activity sa page na I-manage ang Access at Mga Device.

Kung hindi mo na gagamitin ang isang device na ginamit mo dati para manood ng Netflix, siguraduhing mag-sign out sa Netflix at kahit anong account o serbisyong ginamit mo sa device.

Ang phishing ay isang pagtatangkang makuha ang personal information mo sa pamamagitan ng pagpapanggap na website o kumpanyang pinagkakatiwalaan mo online.

Gagawin ng mga phisher ang lahat para makuha ang account mo o manakaw ang personal information mo. Puwede silang gumawa ng mga pekeng website na kamukha ng Netflix, o magpadala ng mga email o text message na nagpapanggap na kami, at manghingi ng personal information sa iyo.

May natanggap ka bang phishing message o may napuntahan ka bang phishing website? Tingnan ang Mga phishing o kahina-hinalang email o text na nagsasabing galing sa Netflix.

Sa Netflix, sineseryoso namin ang panloloko. Makipag-ugnayan sa amin kung may mapansin kang kahina-hinala o hindi kilalang singil o hindi authorized na activity sa account.

Maglagay ng phone number sa account mo para ma-recover ang password mo kung makalimutan mo ito, tingnan ang Paano mag-add, magpalit, o mag-delete ng phone number.

Panatilihing walang malware at virus ang computer mo. Kasama sa mga senyales na may virus ang computer mo ang:

  • Pagiging mabagal ng performance ng computer na hindi pangkaraniwan

  • Paglabas ng mga pop-up window o advertisement habang nagsi-stream

  • Mga hindi inaasahang pag-reboot, pag-crash, o pag-hang

Kung sa tingin mo ay may virus ang computer mo, gamitin ang anti-malware, anti-adware, o anti-virus software na inirerekomenda ng manufacturer ng computer mo o ng pinagkakatiwalaang IT professional.

Walang ineendorsong partikular na software ang Netflix, pero matagumpay nang nagamit ng aming Support Engineers ang mga sumusunod para mag-alis ng mga virus at malware:

Tandaang palaging may lumalabas na mga bagong virus at malware. Anumang program ang pipiliin mong gamitin, lagi mo itong i-update sa pinakabagong version.

Kung sa palagay mo ay may nakita kang vulnerability sa seguridad sa isang property o app ng Netflix, ipaalam ito sa amin kaagad sa aming bug bounty program. Huwag isapubliko ang vulnerability sa seguridad hangga't hindi ito naaayos. Nagpapasalamat kami sa tulong mo. Nire-review namin ang lahat ng report at gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para agad na matugunan ang isyu.

Para sa iba pa, tingnan ang aming kumpletong patakaran sa responsableng paghahayag.

Kung mayroon kang tanong tungkol sa privacy ng impormasyon mo, tingnan ang aming Pahayag sa Privacy.

Mga Kaugnay na Article