Mga phishing o kahina-hinalang email o text na nagsasabing galing ang mga ito sa Netflix

Kung makatanggap ka ng email o text message (SMS) na hinihingi ang email, phone, password, o paraan ng pagbabayad ng Netflix account mo, malamang na hindi ito galing sa Netflix. Nasa ibaba ang mga tip para sa pagtukoy at pagtugon sa mga kahina-hinalang email at text para panatilihing ligtas ang account mo.

Paano malalaman kung sa Netflix talaga galing ang isang email o text

  • Hindi namin hihilingin sa iyo kahit kailan na i-share ang personal information mo sa isang text o email. Kasama na rito ang:

    • Mga credit o debit card number

    • Mga detalye ng bank account

    • Mga password sa Netflix

  • Hindi kami hihingi kailanman ng bayad sa pamamagitan ng 3rd party vendor o website.

  • Kung may link ang text o email papunta sa URL na hindi pamilyar, huwag itong i-tap o i-click. Kung nagawa mo na ito, huwag maglagay ng kahit anong impormasyon sa bumukas na website.

Ano ang dapat kong gawin kung nakatanggap ako ng kahina-hinalang email o text?

Hindi makakakuha ng impormasyon sa iyo ang mga scammer maliban na lang kung ibibigay mo iyon sa kanila. Kaya huwag i-click ang kahit anong link sa mga message o mag-reply sa kanila.

  1. Huwag i-click ang alinman sa mga link o buksan ang alinman sa mga attachment.

  2. I-forward ang email sa phishing@netflix.com.

    Tandaan: Kung nire-reject ang email mo kapag fino-forward mo ito, ibig sabihin, nakatanggap na kami ng kopya ng phishing message. Wala ka nang ibang kailangang gawin kung hindi i-delete ang email o message.

  3. I-delete ang email.

Android phone o tablet

  1. I-tap nang matagal ang message na gusto mong i-forward.

  2. I-tap ang Forward message.

  3. I-tap ang Forward arrow .

  4. Ilagay ang phishing@netflix.com.

  5. Piliin ang address na kakalagay mo lang.

  6. I-tap ang Send .

  7. I-delete ang message.

Tandaan: Maaaring iba ang steps na ito para sa device mo. Para malaman ang steps para sa device mo, tingnan ang manual nito o magpatulong sa manufacturer.

iPhone oiPad

  1. I-tap nang matagal ang message na gusto mong i-forward.

  2. I-tap ang More... at ang Forward arrow .

  3. Ilagay ang phishing@netflix.com.

  4. I-tap ang Send .

  5. I-delete ang message.

Tandaan: Posibleng may singilin para sa text.

Paano kung nag-click na ako ng link o nagbahagi ng personal information?

  • Palitan ang password mo sa Netflix ng bagong password na mahirap hulaan at para lang sa Netflix.

  • I-update ang password mo sa anupamang website o app kung saan ginamit mo ang parehong kumbinasyon ng email at password.

    Tandaan: Para panatilihing secure ang mga account mo, pinakamabuti kung hindi gagamitin ang parehong kumbinasyon ng email at password para sa kahit anong website o app.

  • Makipag-ugnayan sa pinansyal na institusyon mo kung may inilagay kang kahit anong impormasyon sa pagbabayad dahil baka nakompromiso iyon.

  • I-forward ang message sa phishing@netflix.com gamit ang steps sa itaas.

Paano kung may makita akong website, app, o phone number na nagpapanggap bilang Netflix o Customer Service ng Netflix?

  1. Huwag mag-click ng anumang link o magbigay ng anumang impormasyon sa website o app.

  2. Magpadala ng kopya ng phone number, link sa website, o app na nagpapanggap na mula sa Netflix sa isang email sa phishing@netflix.com.

Ano ang pinakamagagandang paraan para mapanatiling ligtas ang impormasyon ko?

Mag-ingat sa tuwing makakatanggap ng email o text na humihingi ng personal information.

  • Huwag i-click ang link kung hindi ka sigurado; dumiretso na lang sa website ng kumpanya.

  • Huwag magbigay kahit kailan ng personal o sensitibong pinansyal na impormasyon sa email.

  • I-check ang address ng nagpadala para makita kung mukha itong lehitimo.

  • Sa computer browser, mag-hover sa kahit anong link at i-click para makita ang URL. Tiyaking papunta ang mga link sa kung saan mo inaasahan.

  • Mag-install ng anti-virus software para matulungan kang protektahan ang mga device at personal information mo.

Makipag-ugnayan sa amin kung sa tingin mo ay pinalitan ang email mo nang walang pahintulot para matulungan ka naming ibalik ito. Puwede ka ring pumunta sa Paano panatilihing secure ang account mo para sa iba pang tip sa seguridad.

Mga Kaugnay na Article