Paano palitan o i-reset ang password mo
Pagpapalit ng password mo
Kung alam mo ang password mo at kaya mong mag-sign in sa Netflix pero gusto mo itong palitan, pumunta sa page na Palitan ang password.
Hindi mo mapapalitan ang password mo kung may active na Pambatang profile. Lumipat muna sa ibang profile at palitan ang password.
Kapag pumipili ng password, ito ay dapat na:
Iba sa ginagamit mo sa kahit anong iba pang website o app
May kahit man lang 8 character
Kumbinasyon ng malalaki at maliliit na titik, numero, at simbolo
Hindi madaling mahulaan - gaya ng “password,” “12345678,” o gumagamit ng kahit anong personal information (pangalan, birthday, address)
Gamit ang password manager, puwedeng dumali ang pagsubaybay sa mga unique na password.
Kung hindi ka makapag-sign in o hindi mo maalala ang password mo, tingnan ang Paano palitan o i-reset ang password mo.
Pag-reset ng password mo
Kund hindi ka makapag-sign in o hindi mo maalala ang password mo, kailangan mo itong i-reset gamit ang email o text message (kung nag-add ka na ng phone number sa account mo).
Kung hindi mo maalala ang email address o phone number na ginamit mo para mag-sign up, posibleng magamit mo ang paraan ng pagbabayad mo para ma-recover ang account mo.