Paano mag-update ng impormasyon ng Netflix account

Kung gusto mong i-update ang impormasyon ng Netflix account mo, sundin ang steps sa ibaba.

Smartphone screen showing Netflix security settings with the 'Email' option highlighted, featuring the address "joyce.byers@sbcglobal.net."

Para palitan ang email address na ginagamit mo para mag-sign in sa Netflix, pumunta sa page na Palitan ang Email. Posibleng kailangan mong mag-sign in kung hindi ka pa naka-sign in.

  • Kung active ang isang Pambatang profile, lumipat muna sa ibang profile at subukan ulit.

  • Posibleng kailanganin mong i-confirm ang identity mo bago gumawa ng pagbabago.

  • Kailangang may 4 hanggang 50 character ang email address.

  • Hindi ka puwedeng lumipat sa email address na ginagamit na ng ibang account.

Kung hindi ka makapag-sign in gamit ang kasalukuyan mong password, padalhan ang sarili mo ng password reset email.


Kung nakalimutan mo ang email address na ginagamit mo para sa account mo, pumunta sa aming page na I-update ang password, email, o phone, i-tap o i-click ang Hindi ko maalala ang email o phone ko, at sundin ang steps.

Smartphone screen displaying Netflix security settings with the 'Password' option highlighted.

Kung alam mo ang password mo at kaya mong mag-sign in sa Netflix pero gusto mo itong palitan, pumunta sa page na Palitan ang password.

Kapag pumipili ng password, ito ay dapat:

  • Iba sa ginagamit mo sa kahit anong iba pang website o app

  • May kahit man lang 8 character

  • Kumbinasyon ng malalaki at maliliit na titik, numero, at simbolo

  • Hindi madaling mahulaan - gaya ng “password,” “12345678,” o gumagamit ng kahit anong personal information (pangalan, birthday, address)

Gamit ang password manager, puwedeng dumali ang pagsubaybay sa mga unique na password.

Kung hindi ka makapag-sign in o hindi mo matandaan ang password mo, tingnan ang Paano palitan o i-reset ang password mo.

Smartphone screen displaying Netflix security settings with the 'Mobile phone' option highlighted.

Ang pag-add ng phone number sa account mo ay mas magpapadali sa pag-sign in, magpapahusay sa seguridad ng account, at tutulong para ma-access mo ulit ang account mo kung sakaling nakalimutan mo ang password mo.

Para mag-add, magpalit o mag-delete ng phone number:

  1. Pumunta sa page na Palitan ang phone number. Posibleng kailangan mong mag-sign in kung hindi ka pa naka-sign in.

  2. Sundin ang instructions para i-confirm ang identity mo.

  3. Pagkatapos mag-confirm, magagawa mo ang sumusunod:

    • Mag-add ng phone number: pumili ng bansa, ilagay ang phone number at piliin ang Susunod.

    • Mag-edit: baguhin ang phone number at piliin ang Susunod.

    • Mag-delete: Piliin ang I-delete ang Phone Number.

  4. Para magamit ang bagong number para sa Netflix, kakailanganin mong i-confirm na valid ito sa pamamagitan ng paglalagay ng code na ipinadala namin sa phone mo sa text message nang baguhin mo ito. Puwede mo ring i-verify ito sa link na ito: I-confirm ang phone number mo para sa pag-recover.

Tandaan: Sa isang account lang puwedeng gamitin ang na-verify na phone number mo. Kapag vinerify mo ang number mo, maaalis ito sa kahit anong iba pang account kung saan ito kaugnay.

Kung wala kang natatanggap na mga text message sa phone number sa account mo, baka may delay sa carrier mo. Kung hindi nawawala ang problema, makipag-ugnayan sa phone carrier mo para sa tulong.

Kapag inupdate mo ang impormasyon ng account mo, papadalhan ka namin ng email na nagko-confirm sa mga pagbabago. Kung nagkakaproblema ka sa pag-save ng na-update mong impormasyon, sundin ang steps na ito para sa pag-troubleshoot.

Mga Kaugnay na Article