Paano mag-add o mag-update ng paraan ng pagbabayad

Puwedeng mag-add o mag-update ng mga paraan ng pagbabayad ang mga members na sinisingil ng Netflix gamit ang sumusunod na steps:

Tandaan: Kung kasama ang Netflix bilang bahagi ng package o package add-on, pumunta sa website ng provider para i-update ang impormasyong ito.

  1. Pumunta sa page na I-manage ang info sa pagbabayad (hindi puwedeng i-manage sa Netflix app ang mga paraan ng pagbabayad, maliban kung na-download ang app mula sa Samsung Galaxy store).

  2. I-update ang paraan ng pagbabayad mo sa pamamagitan ng pagpili sa button na I-update sa tabi nito.

  3. Mag-add ng bagong paraan ng pagbabayad sa pamamagitan ng pagpili sa + Mag-add ng Paraan ng Pagbabayad.

Pag-add ng higit sa isang paraan ng pagbabayad

Makikita ang badge na Preferred sa tabi ng default na paraan ng pagbabayad para sa buwanan mong Netflix subscription.

Tandaan: Kung nag-redeem ka ng Netflix gift card, gagamitin muna ang balance ng gift card bago singilin ang Preferred na paraan ng pagbabayad.

Gagamitin bilang mga backup na paraan ng pagbabayad ang anumang karagdagang paraan ng pagbabayad sa account mo. Sisingilin lang ang mga backup na paraan ng pagbabayad kung na-decline ang Preferred na paraan ng pagbabayad mo.

Tandaan: Hindi lahat ng paraan ng pagbabayad ang puwedeng gamitin bilang backup na paraan ng pagbabayad.

Para baguhin ang Preferred na paraan ng pagbabayad mo:

  1. Piliin ang tatlong tuldok sa kanan ng button na I-update sa paraan ng pagbabayad na gusto mong gawing Preferred.

  2. Piliin ang Gawing Preferred.

Para mag-alis ng mga karagdagang paraan ng pagbabayad:

  1. Piliin ang tatlong tuldok sa kanan ng button na I-update sa paraan ng pagbabayad na gusto mong alisin.

  2. Piliin ang Alisin.

  3. Tingnan ang Paano mag-alis ng mga paraan ng pagbabayad mula sa account mo para sa higit pang info.

Mga Kaugnay na Article