Paano mag-alis ng mga paraan ng pagbabayad sa account mo

Para mag-alis ng paraan ng pagbabayad sa account mo, pumunta sa page na I-manage ang info sa pagbabayad at I-delete ang paraan ng pagbabayad na gusto mong alisin. Posibleng kailangan mong mag-sign in kung hindi ka pa naka-sign in.

Kung isang paraan ng pagbabayad lang ang nasa file mo, hindi mo ito maaalis nang hindi ka muna nagdaragdag ng bagong paraan ng pagbabayad. Kapag inalis sa account mo ang isang paraan ng pagbabayad, hindi na masisingil ng Netflix ang paraan ng pagbabayad na iyon maliban na lang kung ilalagay ito ulit sa Netflix account mo.

Kung may Netflix ka sa pamamagitan ng partner package at gusto mong mag-alis ng backup na paraan ng pagbabayad, makipag-ugnayan sa amin para sa tulong.


Hindi maaalis ng Customer Service ang partikular na paraan ng pagbabayad mula sa account mo. Pero puwede naming alisin ang lahat ng paraan ng pagbabayad hangga't hindi ka nagbabayad sa pamamagitan ng partner o gamit ang gift card. Kapag naalis na ito, puwede kang maglagay ng bagong paraan ng pagbabayad sa account mo bago matapos ang kasalukuyang billing period mo kung gusto mong patuloy na gumamit ng Netflix.

Paalala:Ang ilang third-party na paraan ng pagbabayad ay hindi maaalis sa mga account.

Kung may mga tanong ka tungkol sa pag-delete at pagpapanatili ng data, makipag-ugnayan sa privacy@netflix.com.

Mga Kaugnay na Article

Mga Kaugnay na Article