Hindi ma-save ng Netflix ang mga pagbabago sa impormasyon ng account o settings ng profile ko

Kung nagkakaproblema ka sa pagbabago ng impormasyon ng account o settings ng profile mo sa website ng Netflix, karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang data na naka-store sa browser mo. Baka ibig sabihin din nito na isang extension o add-on sa browser ang pumipigil sa website ng Netflix na gumana nang maayos.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps sa ibaba.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Isara ang browser mo.

  2. Buksan ulit ang browser mo.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi gumana ang pagki-clear ng Netflix cookie at pagre-restart ng browser mo, sundin ang steps para sa browser mo sa ibaba.

Kung gumagamit ka ng Chrome, puwede mong i-off ang mga hindi kailangang add-on.

  1. Sa address bar, ilagay ang chrome://extensions.

  2. I-off ang kahit anong extension na naka-on.

    Tandaan:Hindi kailangang i-off ang mga extension na nasa ilalim ng Chrome Apps.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung malulutas ng steps na ito ang problema, subukang i-on ang mga extension mo nang paisa-isa para malaman kung alin ang pumipigil sa Netflix na gumana nang maayos.

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang Extensions icon.

  2. I-click ang Manage Extensions.

  3. I-off ang lahat ng naka-install na extension, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung maaayos ng steps na ito ang problema, puwede mong paisa-isang i-on ang mga extension mo para malaman kung alin ang pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para i-restart ang Firefox nang walang naka-enable na add-on:

  1. I-click ang Menu.

  2. Piliin ang Help.

  3. Piliin ang Troubleshoot Mode.

  4. Kapag nag-restart ang Firefox, subukang baguhin ulit ang settings mo.

  1. Piliin ang Safari sa kaliwang sulok sa itaas ng browser.

  2. Piliin ang Preferences.

  3. Piliin ang tab na Extensions sa menu bar sa itaas.

  4. Alisan ng check ang kahon sa tabi ng bawat extension para i-disable ito.

  5. Isara ang window na Extensions.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article