Paggamit ng Netflix sa labas ng bahay mo
Madaling gamitin ang Netflix kapag on the go o habang nasa biyahe. Gamitin ang Netflix tulad ng dati para manood sa mga portable device mo—tulad ng tablet, laptop, o mobile phone, o mag-sign in sa bagong TV, tulad ng sa isang hotel o bakasyunan.
Habang nanonood ka sa labas ng bansa kung saan ka nag-sign up para sa Netflix, baka mapansin mo ang mga pagbabago sa:
Mga Mapagpipiliang TV show at pelikula: Nagbabago ang mga Pagpipilian para sa pag-stream at pag-downoad (kasama na ang mga option sa audio/subtitle) depende sa bansa. Bukod pa rito, baka hindi available ang mga title sa List Ko at Ipagpatuloy ang Panonood.
Ibang maturity ratings: Ipinapakita ang mga maturity rating at klasipikasyon para sa bansa kung nasaan ka. Kung may naka-set kang mga kontrol ng magulang na gumagamit ng rating system na iba kaysa sa bansang pinuntahan mo, posibleng available (o hindi available) ang mga title dahil sa mga pagkakaiba sa maturity ratings.
Mga Download: Posibleng hindi available ang mga title na Kasalukuyang na-download sa telepono, tablet, o computer mo habang nasa ibang bansa.
Tandaan:Nag-iiba-iba depende sa bansa ang mga gift card at iba pang paraan ng pagbabayad gamit ang cash at posibleng hindi available o kwalipikadong magamit ang mga ito sa pupuntahan mo. Pakitandaang loadan ang account mo o magdagdag ng backup na paraan ng pagbabayad bago bumiyahe.
Kung naghahanda kang lumipat ng tirahan o kakalipat mo lang, tingnan ang Paglipat nang may Netflix para sa ilang bagay na dapat mong malaman.