Sabi ng Netflix, ‘Wala ang TV mo sa Tirahan para sa Netflix ng account na ito’
Wala ang TV mo sa Tirahan para sa Netflix ng account na ito
Ibig sabihin ng message na ito hindi naiugnay ng Netflix ang TV mo sa Tirahan para sa Netflix mo.
Kung nag-sign in ka sa Netflix gamit ang isang device na hindi bahagi ng Tirahan para sa Netflix mo, baka kailangan mong i-verify ang device mo para makapanood ng Netflix. Para ayusin ang problema, puwede mong:
Gumawa ng account.
I-update ang Tirahan para sa Netflix mo.
Kung nag-sign in ka sa isang TV na bahagi ng Tirahan para sa Netflix mo pero nakikita ang error na ito, kakailanganin mong i-verify na bahagi ng Tirahan para sa Netflix mo ang ginagamit mong TV. Para gawin ito, kakailanganin mong:
Mobile phone o tablet na may camera
Wi-Fi connection
I-verify na bahagi ng Tirahan para sa Netflix mo ang TV mo
Kapag na-prompt sa TV mo, piliin ang I-update ang Tirahan para sa Netflix.
Pindutin ang I-Troubleshoot ang TV na Ito.
Buksan ang camera sa mobile device mo at itutok sa screen ng TV para i-scan ang QR code, pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
Siguraduhing naka-connect ang mobile device mo sa Wi-Fi ng bahay mo. I-tap ang Susunod.
Kung hindi maka-connect ang mobile device mo sa internet mo sa bahay, tumalon sa seksyong "Pag-troubleshoot" sa ibaba.
I-tap ang Kumuha ng Code para gumawa ng bagong QR code sa TV mo.
Buksan ang camera sa mobile device mo at itutok sa screen ng TV para i-scan ang QR code. (Baka kailangan mong pahintulutan ang Netflix na i-access ang camera sa mobile device mo.)
Kapag na-verify na, pindutin ang Manood Na para ipagpatuloy ang panonood ng Netflix.
Kung nabigo ito, siguraduhing naka-connect ang mobile device mo sa internet kung saan naka-connect ang TV mo at subukan ulit.