Paano mag-set o mag-update ng Tirahan para sa Netflix

Ang Tirahan para sa Netflix ay isang collection ng mga device na naka-connect sa internet sa pangunahing lugar kung saan ka nanonood ng Netflix Puwedeng i-set ang Tirahan para sa Netflix gamit ang karamihan ng mga TV device. Automatic na magiging bahagi ng Tirahan para sa Netflix mo ang mga device na gumagamit ng Netflix account mo sa parehong internet connection kung saan naka-connect ang TV na ito.

I-set o i-update ang Tirahan para sa Netflix mo

Puwede mong i-set o i-update ang Tirahan para sa Netflix mo kapag nag-sign in ka sa Netflix mula sa karamihan ng mga TV na naka-connect sa internet mo.

  1. Mula sa home screen ng Netflix sa TV mo, pindutin ang kaliwa sa remote mo para buksan ang menu.

  2. Piliin ang Humingi ng Tulong > I-manage ang Tirahan para sa Netflix.

    Tandaan:Kung hindi mo makita ang I-manage ang Tirahan para sa Netflix sa menu, kakailanganin mong gumamit ng ibang TV device.

  3. Piliin ang I-update ang Tirahan para sa Netflix.

  4. Pindutin ang Magpadala ng Email o Magpadala ng Text. Magpapadala ng verification link sa email address o phone number ng account. Mag-e-expire ang mga verification link pagkalipas ng 15 minuto.

    Tandaan:Kung hindi ka pa nag-add ng phone number o email address sa account mo, isang option lang ang makikita mo.

  5. Kung hindi ka nakatanggap ng verification link sa pamamagitan ng email o text, i-click ang Magpadala ulit ng Email o Magpadala ulit ng Text. O puwede kang pumili ng ibang option.

  6. Piliin ang Oo, Ako Ito sa email, o i-tap ang link sa text message, pagkatapos ay I-confirm ang Update para magpatuloy.

  7. Makakatanggap ka ng confirmation email at magre-refresh ang TV mo para makapagsimula kang manood.

Tandaan:Ang "Internet connection” ay tumutukoy sa iyong naka-wire o wireless na internet connection. Kung marami kang Wi-Fi network, isa lang ang posible naming iugnay sa Tirahan para sa Netflix mo. Kung gusto mong manood ng Netflix sa device na naka-connect sa Wi-Fi network gamit ang ibang ISP account o na may ibang external na IP address, posibleng hilingin sa iyo na i-verify ang device na iyon bilang bahagi ng Tirahan para sa Netflix mo. Siguraduhing i-set o i-update ang Tirahan para sa Netflix mo mula sa isang device na naka-connect sa pinili mo o sa pinakamadalas mong gamiting internet connection.

Ginagamit namin ang impormasyon gaya ng mga IP address, device ID, at activity sa account para matukoy kung nasa Tirahan para sa Netflix mo ang isang device na naka-sign in sa account mo.

Hindi kami nangongolekta ng GPS data para subukang tukuyin ang tumpak na pisikal na lokasyon ng mga device mo.

Kung hindi pa na-set ang isang Tirahan para sa Netflix, automatic kaming magse-set ng isa para sa iyo batay sa IP address, mga device ID, at activity ng account mo.

Puwede mong i-update ang Tirahan para sa Netflix mo mula sa isang TV sa pamamagitan ng pag-connect sa internet mo at pagsunod sa steps sa itaas.

Kung hindi ka nanonood ng Netflix sa isang TV o wala kang TV, hindi mo kailangang mag-set ng Tirahan para sa Netflix ng account mo.

Kung may mga di-pamilyar na device na gumagamit ng account mo, puwede kang mag-sign out sa mga ito sa page na I-manage ang Access at mga Device.

Mga Kaugnay na Article