Ano ang Tirahan para sa Netflix?

Ang Tirahan para sa Netflix ay isang collection ng mga device na naka-connect sa internet sa pangunahing lugar kung saan ka nanonood ng Netflix. Hindi mo maaaring i-share ang Netflix account mo sa labas ng tirahan mo. Kakailanganin ng mga taong hindi mo kasama sa tirahan mo na gumawa ng sarili nilang account para makapanood ng Netflix, o puwede silang maidagdag bilang extra member.

Kapag nag-sign in ka sa Netflix mula sa anumang device na gumagamit ng parehong internet connection ng TV mo, automatic naming gagawin ang Tirahan para sa Netflix mo batay sa IP address, mga device ID, at aktibidad ng account. Hindi kami nangongolekta ng GPS data para subukang tukuyin ang tumpak na pisikal na lokasyon ng mga device mo.

Puwede mong i-update ang Tirahan para sa Netflix mo mula sa TV anumnag oras. Puwede mo ring tingnan kung may hindi kilala o hindi gustong device na gumagamit ng account mo at piliin ang Mag-sign out sa Lahat ng Device.

Mga Kaugnay na Article