Pag-share ng Netflix account mo

A household with Wi-Fi, a TV displaying Netflix, a laptop showing profiles and other devices.

Inilaan ang isang Netflix account para i-share sa mga taong kasama mo sa isang tirahan.

Kakailanganin ng mga taong hindi mo kasama sa tirahan mo na mag-sign up para sa sarili nilang account para makapanood, o sa maraming bansa, puwede kang bumili ng slot para sa extra member para makapag-add ng extra member sa account mo.

Mag-add ng extra member

A Netflix home with a key shows sending an Extra Member slot.

  • Ang mga may-ari ng account na may Standard o Premium plan sa maraming bansa ay puwedeng mag-share ng Netflix sa isang taong hindi nakatira kasama nila sa pamamagitan ng pagdagdag ng extra member sa kanilang account.

  • Kakailanganin ng may-ari ng account na bumili ng slot para sa extra member, pagkatapos ay mag-invite ng extra member para gamitin ang slot para sa extra member.

  • Kailangang mag-activate ang extra member sa parehong bansa kung saan ginawa ng may-ari ng account ang kanyang account.

  • Hindi puwedeng i-add ang mga extra member sa mga package na may kasamang Netflix o mga account na naka-bill sa third-party.

  • Hindi makakapag-add ng mga extra member sa mga plan na may ads.

Kapag gumagawa ng bagong account o nag-a-add ng extra member, puwedeng ilipat ang isang profile mula sa isang dati nang account, kasama ang mga rekomendasyon, history ng panonood, List Ko, naka-save na game, settings, at marami pang iba.

Mga Kaugnay na Article