Paano mag-sign up sa Netflix

Samahan ang milyon-milyong subscriber sa buong mundo na nag-e-enjoy sa mga unlimited na premyadong TV show, pelikula, documentary, at marami pang iba.

Bilang Netflix member, sisingilin ka isang beses kada buwan sa araw kung kailan ka nag-sign up. Walang kontrata, walang bayad sa pag-cancel, at walang commitment. Malaya kang magpalit ng plan o mag-cancel online kahit kailan kung mapagpapasyahan mong hindi bagay sa iyo ang Netflix.
Madali lang mag-sign up para magkaroon ng Netflix account! Sundin ang steps para sa platform mo sa ibaba.

Para mag-sign up gamit ang Android device mo, pumunta sa netflix.com/signup mula sa mobile browser.

  • Kung may Netflix app ka mula sa Google Play store, puwede kang magsimulang mag-sign up sa app at pagkatapos ay kailangan mong gumamit ng mobile o computer browser para tapusin ang pag-sign up.

  • Kung may Netflix app ka mula sa Samsung Galaxy store, puwede kang mag-sign up sa app nang hindi gumagamit ng mobile o computer browser.

  1. Gumawa ng account sa pamamagitan ng paglalagay ng email address mo at paggawa ng password.

    • Kung Netflix Android app ang ginagamit mo, makakatanggap ka ng email mula sa Netflix na may link para tapusin ang pag-sign up sa Netflix.com gamit ang mobile o computer browser.

  2. Piliin ang plan na bagay sa iyo. Puwede kang mag-downgrade o mag-upgrade kahit kailan.

  3. Maglagay ng paraan ng pagbabayad.

  4. Iyon na 'yon. Mag-stream na!

  1. Pumunta sa netflix.com/signup.

  2. Piliin ang plan na bagay sa iyo. Puwede kang mag-downgrade o mag-upgrade kahit kailan.

  3. Gumawa ng account sa pamamagitan ng paglalagay ng email address mo at paggawa ng password.

  4. Maglagay ng paraan ng pagbabayad.

  5. Iyon na 'yon. Mag-stream na!

  1. Puntahan ang netflix.com/signup sa mobile browser.

    Tandaan:Hindi supported ang pag-sign up sa Netflix iOS app.

  2. Piliin ang plan na bagay sa iyo. Puwede kang mag-downgrade o mag-upgrade kahit kailan.

  3. Gumawa ng account sa pamamagitan ng paglalagay ng email address mo at paggawa ng password.

  4. Maglagay ng paraan ng pagbabayad.

  5. I-download at mag-sign in sa Netflix app sa device na may iOS 16 o mas bago.

  6. Iyon na 'yon. Mag-stream na!

  1. Buksan ang Netflix app.

    Tandaan:Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap sa app, i-search sa Help Center namin ang "Paggamit ng Netflix sa," pagkatapos ay ang brand name ng device mo (hal., Samsung, Roku, Xbox). Ang ilang device ay may Netflix button din sa remote control nito.

  2. Sa karamihan ng mga TV at TV streaming device, kailangan mong magsimula sa pamamagitan ng pagbibigay ng email address o phone number mo.

    • Kapag naibigay na ito, makakatanggap ka ng email o SMS text message na may activation link para ituloy ang proseso ng pag-sign up.

  3. Piliin ang plan na bagay sa iyo. Puwede kang mag-downgrade o mag-upgrade kahit kailan.

  4. Gumawa ng account sa pamamagitan ng paglalagay ng email address mo at paggawa ng password.

  5. Maglagay ng paraan ng pagbabayad.

  6. Iyon na 'yon. Mag-stream na!

Hindi supported ng ilang mas lumang TV at TV streaming device ang pag-sign up sa Netflix sa mismong device. Para mag-sign up, kunin ang Netflix app sa iyong Android phone o tablet, iPhone o iPad, o pumunta sa netflix.com.

  1. Buksan ang Netflix app.

    Tandaan:Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap sa app, i-search sa Help Center namin ang "Paggamit ng Netflix sa," pagkatapos ay ang pangalan ng provider ng device mo. Ang ilang device ay may Netflix button din sa remote control nito.

  2. Sundin ang mga prompt sa screen para gumawa ng account.

  3. Iyon na 'yon. Mag-stream na!

Hindi supported ng ilang mas lumang cable box ang pag-sign up sa Netflix sa mismong device. Para mag-sign up, sundin ang directions sa screen mo.

Alamin pa ang tungkol sa Netflix.

Mga Kaugnay na Article