Paano magpalit ng plan mo

Puwede mong palitan ang Netflix plan mo, sundin lang ang steps na ito:

  1. Pumunta sa page na Palitan ang Plan sa browser. Posibleng kailangan mong mag-sign in kung hindi ka pa naka-sign in.

  2. Piliin ang plan na gusto mo, at piliin ang Magpatuloy o I-update.

    Kung wala kang option na palitan ang plan mo, tingnan ang "Hindi mapalitan ang plan" sa ibaba.

  3. I-tap o i-click ang I-confirm ang Pagbabago o I-confirm.

Mangyayari agad ang pagpapalit sa mas mahal na plan para ma-enjoy mo ang lahat ng dagdag na feature. Dahil prepaid na serbisyo ang Netflix, magbabago ang billing date mo depende sa natitirang balanse ng huli mong pagbabayad.

Umeepekto sa susunod na billing date mo ang paglipat mas murang plan. Magagamit mo pa rin ang mga feature ng mas mahal na plan hanggang sa oras na yon.

Tandaan: Kung may Netflix ka sa pamamagitan ng partner package o package add-on,i-search ang Help Center namin para sa article tungkol sa partner mo para mahanap ang mga detalye ng timing at eligibility sa pagbabago ng plan.

Kung hindi mo mapalitan ang plan mo, may ilang posibleng dahilan:

  • On hold ang account

  • Ang account ay naka-pause

  • Active ang Pambatang profile kapag pumupunta ka sa page na Palitan ang Plan. Tingnan ang Paano lumipat ng profile para lumipat sa ibang profile.

  • Lumipat ka sa mas murang plan sa billing period na ito (Kailangan mong hintayin ang susunod na billing period para palitan ulit ang plan.)

Tandaan: Kung nagbabayad ka para sa Netflix sa pamamagitan ng partner o nakukuha mo ang Netflix bilang bahagi ng package, baka wala kang option na palitan ang plan mo.

Kontakin kami kung may iba kang isyu o hindi mo ito maayos mag-isa.

Mga Kaugnay na Article