Paano i-cancel ang Netflix

Smartphone screen displaying Netflix membership settings with the 'Cancel Membership' button highlighted.

Puwede mong i-cancel ang Netflix account mo kahit kailan.

Tandaan: Ito lang ang paraan para i-cancel ang account mo at tapusin ang membership mo. Hindi maka-cancel ang account mo kapag nag-sign out ka o kapag dinelete mo ang Netflix app.

Hindi ka na sisingilin ulit maliban na lang kung sisimulan mo ulit ang account mo. Kung magka-cancel ka nang may natitira pang panahon sa billing period mo, puwede mong gamitin ang Netflix hanggang sa automatic na ma-cancel ang account sa katapusan ng billing period.

Kung hindi mo nakikita ang option sa pag-cancel sa account mo, kailangan mong i-cancel ang account sa partner mo sa pagbabayad. Pumunta sa Account page mo at tingnan ang seksyong Membership. May makikita kang link na gagabay sa iyo sa proseso ng pag-cancel o instructions para makipag-ugnayan sa partner mo sa pagbabayad para mag-cancel.

Kung magka-cancel ka nang may natitira pang panahon sa billing period mo, puwede mong gamitin ang Netflix hanggang sa matapos ang billing period. Para malaman kung kailan magsasara ang account mo, tingnan ang mga detalye ng billing sa iyo.

Kung on hold ang account mo, magsasara ito agad kapag nag-cancel ka.

Pagkatapos mong mag-cancel, patuloy mong magagamit ang Netflix sa loob ng ilang buwan ng serbisyo hangga't kasya ang natitirang balanse ng Netflix gift card o promotion mo. Kapag naubos na ang balance mo, hindi ka na makakapag-Netflix.

Kung gusto mo lang mag-break, puwede mong i-pause ang membership mo sa halip na mag-cancel.

Hindi available ang feature na ito sa Basic plan, at kasalukuyang hindi available para sa lahat ng pangunahing paraan ng pagbabayad, tulad ng Direct Debit at mga Gift Card.

Kung i-pause mo ang membership mo, puwede kang patuloy na manood ng Netflix hanggang sa susunod na billing date mo. Sa susunod na billing date mo, hindi ka sisingilin at ipo-pause nang 1 buwan ang membership mo. Pagkatapos ng 1 buwan, sisingilin ka ng kasalukuyang presyo ng plan mo at puwede kang manood ulit ng Netflix.

Paano mag-pause ng membership

Smartphone screen displaying a Netflix membership management page with 'Pause for 1 Month' highlighted.

  1. Pumunta sa page na I-cancel ang Membership (baka kailanganin mong mag-sign in).

  2. Piliin ang I-pause nang 1 Buwan.

  3. Hindi ka makakapag-stream o download kapag naka-pause ang membership, pero puwede ka pa ring mag-browse ng Netflix at magdagdag sa List Ko.

Paano i-extend na naka-pause na membership

Smartphone screen displaying Netflix with a prompt asking "Ready to watch?" and the 'Extend Pause' button highlighted.

Isang linggo bago automatic na i-unpause ang account mo, magkakaroon ka ng option na i-extend ang pag-pause ng isang karagdagang buwan.

Tandaan: Puwede lang i-pause ang mga account nang 3 buwan sa kabuuan. Kung hindi mo nakikita ang option na I-extend ang Pag-pause, posibleng na-pause mo na ang account mo nang 3 buwan, o hindi na credit o debit card ang pangunahing paraan mo ng pagbabayad.

  1. Gamit ang web o mobile browser, pumunta sa Account page mo.

  2. Piliin ang I-extend ang Pag-pause mula sa banner na nagsasabing Handa ka na bang manood? sa itaas ng Account page mo.

  3. Ipo-pause ang membership mo ng isa pang buwan.

Paano i-unpause ang membership

Smartphone screen displaying Netflix with a prompt asking "Ready to watch?" and the 'Unpause Now' button highlighted.

Habang naka-pause ang membership mo, puwede mo itong i-unpause o i-cancel kahit kailan mula sa Account page mo. Para i-unpause ang membership mo:

  1. Gamit ang web o mobile browser, pumunta sa Account page mo.

  2. Piliin ang I-unpause Na mula sa banner na nagsasabing Handa ka na bang manood? sa itaas ng Account page mo.

  3. Agad kang sisingilin at ia-update ang billing date mo, at makakanood ka na kaagad ng Netflix.

Tandaan: Kung ili-link mo ang account mo sa isang package habang naka-pause ang membership mo, posibleng tumagal nang hanggang 24 na oras bago ma-unpause ang account.

Puwede mong i-restart ang Netflix account mo kahit kailan.

Itatabi namin ang Activity sa Panonood mo nang 10 buwan pagkatapos magsara ng account mo, para maging available ito kung magsisimula ka ulit sa loob ng panahong iyon. Available din nang 10 buwan ang:

  • Mga rekomendasyon sa iyo

  • Mga rating

  • Mga detalye ng account

  • History ng paglalaro

  • Mga game save (pero sa games na hindi supported ang cloud saves, dapat pa ring i-install ang game at game data sa device kung saan ito nilaro)

Para siguraduhing walang sinuman sa tirahan mo ang makakapag-restart ng Netflix nang walang pahintulot mo, inirerekomenda naming palitan mo ang password mo pagkatapos i-cancel ang membership mo, siguraduhing i-check ang kahon na nagsasabing Mag-sign out sa lahat ng device. Sa pamamagitan nito, mapapalitan ang kasalukuyan mong password at masa-sign out ang kahit anong device kung saan posibleng naka-sign in pa ang account mo.

Mga Kaugnay na Article