Paano gumagana ang game saves sa Netflix?
Nase-save ang games sa profile na pinili mo sa paglalaro ng game, sa pamamagitan ng cloud saves o sa device mo mismo.
Ano ang cloud saves?
Ang cloud saves ay naka-store online. Gaya ng pagsi-stream ng mga paborito mong TV show at pelikula, makakapagpatuloy ka kung saan ka tumigil sa game sa kahit aling device sa pamamagitan ng paggamit sa parehong account at profile.
Puwede kang mag-check ng support sa cloud save sa Support page ng game. Humanap ng game na nakalista sa Netflix Games, o i-search ito gamit ang pangalan nito.
Games na supported ang cloud saves
Naka-store ang game progress sa Netflix account profile mo. Kung aalisin mo ang isang game at pagkatapos ay ida-download ito ulit o ipe-play ang game sa ibang device, makakapagpatuloy ka kung saan ka tumigil.
Kung na-delete ang account profile kung saan mo nilaro ang game, maaalis din ang game saves mo at hindi maire-restore.
Games na hindi supported ang cloud saves
Ang game progress ay mase-save sa device lang at sa iisang Netflix profile. Kung ia-uninstall mo ang game, iki-clear ang game data, o ide-delete ang profile kung saan ka naglaro, permanente mong made-delete ang saves mo para sa game na iyon.