Paano gumagana ang mga Netflix profile sa games?

Ang mismong mga profile na ginagamit mo sa panonood ng Netflix ang ginagamit sa Netflix Games.

Kapag nag-launch ka ng game, piliin ang profile mo. Mase-save ang game progress sa piniling profile.

Ang ilang games ay gumagamit ng cloud saves at puwede kang magpatuloy kung saan ka tumigil sa kahit anong device na may kaparehong account at profile. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Paano gumagana ang game saves sa Netflix?

Kapag nag-delete ka ng profile, maiwawala mo ang game saves mo at ang info tungkol sa pinanood mo o sinave sa List Ko para sa profile na iyon.


Mga Kaugnay na Article