Maglaro ng games sa mga mobile device

Tingnan ang lahat ng available na Netflix games

  • Walang ads. Walang dagdag na bayad. Walang in-app purchase.

  • Unlimited na access sa mahigit 80 exclusive na mobile game.

  • Kasama sa Netflix membership mo.

  • I-download sa mga Android phone at tablet, iPhone at iPad.

  • Puwedeng i-download at laruin ang mga mobile game sa mga mobile device - mga Android phone at tablet, iPhone, at iPad. Kung naghahanap ka ng games para laruin sa TV o computer browser mo, sumangguni sa Maglaro ng games sa mga TV at computer.

  • Lalaruin mo ang Netflix games gamit ang Netflix account mo at Netflix profile mo.

  • Mase-save ang mga game sa profile na pipiliin mo para maglaro, sa cloud saves o sa device mo.

    Tandaan: Hindi puwedeng ilipat sa Netflix version ng isang game ang progress o save data mula sa mga game na dati nang ni-release.

  • May maturity rating ang lahat ng Netflix games, para mapag-isipan mong mabuti ang mga pipiliin mong gameplay para sa iyo at sa pamilya mo.

  • Tulad ng mga na-download na TV show at pelikula, puwedeng laruin ang mga game sa maraming device sa parehong account. Kung naabot mo na ang limit ng device mo, sasabihin namin sa iyo. Para magbakante ng slot, mag-sign out sa mga device na hindi ginagamit.

Para makapaglaro, kailangan mo munang i-install ang game sa device mo. Kailangan mo ng:

  • Active na Netflix membership

  • Internet connection para i-download at i-install ang game

  • Sapat na storage space sa device mo

  • Compatible na device

    • Tandaang posibleng mag-iba ang steps depende sa version o manufacturer. Para sa pinakamagandang experience sa lahat ng Netflix games, inirerekomenda namin ang mga sumusunod na OS version o mas bago:

      • Android phone o tablet: Android 9

      • iPhone: iOS 17

      • iPad: iPadOS 17

Tandaan: Makikita ang requirements para sa isang partikular na game sa dedicated na game support page nito.

Mula sa Netflix app

Sa Netflix app, may row na Mga Mobile Game sa home screen at shortcut na Mga Game sa itaas.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game , o i-tap ang shortcut na Mga Game.

    Tandaan:Hindi nakikita ang row na Mga Mobile Game o shortcut na Mga Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan kung Paano i-update ang Netflix app sa Android device mo.

  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game. Bubukas ang Play Store.

  3. I-tap ang Install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, puwede mo itong buksan sa row na Mga Mobile Game o shortcut na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at magsimulang maglaro!


Mula sa Play Store

Puwede ka ring mag-search ng game sa Google Play Store.

  1. Buksan ang Play Store at i-search ang game gamit ang pangalan nito o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa search results, at i-tap ang Install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, puwede mo itong buksan sa row na Mga Mobile Game o shortcut na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  4. Kung hihilingin, i-tap ang Continue at pagkatapos ay mag-sign in gamit ang email address at password ng Netflix account mo

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!


Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Mula sa Netflix app

May row na Mga Mobile Game ang Netflix app sa home screen.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game.

    Note:Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan kung Paano mag-update ng Netflix app sa iPhone, iPad, o iPod touch.

  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game o Laruin ang Game.

  3. I-tap ang Get o Cloud icon sa banner ng App Store.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, puwede mo itong buksan sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at magsimulang maglaro!


Mula sa App Store

Puwede ka ring maghanap ng game sa App Store.

  1. Buksan ang App Store at i-search ang game gamit ang pangalan nito o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa search results, at i-tap ang Get o Cloud icon.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, puwede mo itong buksan sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  4. Kung na-prompt na mag-log in, i-tap ang Susunod at pagkatapos ay ilagay ang email address at password ng Netflix account mo. Piliin ang Mag-log in.

  5. Piliin ang Netflix profile mo at magsimulang maglaro!


Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Kung ayaw nang gumana ng game mo, o bigla itong sumara:

Kung hindi maganda ang performance ng game mo, nagla-lag ito, o tumatalon o patigil-tigil ang visuals nito:

Kung wala kang naririnig na sound o masyadong mahina ang volume:

  • Tingnan ang volume o sound settings ng device mo. Kung may Mute, Silent, o Do Not Disturb mode ang device mo, siguraduhing naka-off ito.

  • Kung may sariling sound settings ang game, tingnan kung naka-on at may volume ito.

  • Kung naka-connect ang device mo sa speaker o headphones gamit ang Bluetooth, subukang i-off at i-on ulit ang Bluetooth.

Kung choppy o putol-putol ang sound:

Kung nakikita mo ang isa sa mga error na ito, pumunta sa katugmang article sa ibaba para sa steps na lulutas sa problema.

Kung ibang error message o code ang nakikita mo, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng link na makipag-ugnayan sa amin sa ibaba ng article.

Kung nawala ang game progress mo, na-reset ang game save mo, o may mga nawawala kang item o currency sa game:

  • Kung inuninstall mo ang game o ni-reset mo ang game data, naalis ang game data at hindi na ito mare-recover.

  • Kung hindi mo inuninstall ang game o hindi mo ni-reset ang game data at nagkakaroon ka pa rin ng ganitong problema, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng link na makipag-ugnayan sa amin sa ibaba ng article.


Mga Kaugnay na Article

Mga Kaugnay na Article