Maglaro ng games sa Netflix
Puwedeng maglaro ang mga member ng Netflix ng games sa TV at sa computer (Netflix.com). Hindi pa available ang experience sa lahat ng bansa at device. Kasalukuyang available ang games namin sa US, Canada, United Kingdom, Spain, Mexico, France, Italy, Poland, Netherlands, Sweden, Belgium, Switzerland, Austria, Ireland, Finland, Germany, South Africa, Australia, at New Zealand sa mga piling device.
Ia-update at mababago ang mga bansa kung saan ito available habang nagdadagdag ng higit pang lokasyon.
Kung nakikita mo ang Games sa menu sa itaas habang nagba-browse sa Netflix sa TV mo o sa web browser sa Netflix.com, ibig sabihin nitong may device ka na puwedeng maglaro ng games.
Paano makahanap ng games sa TV at Netflix.com
Kung nakikita mo ang Games sa menu sa itaas ng Netflix app sa smart TV mo, ibig sabihin nitong may device ka na puwedeng maglaro ng games!
Piliin o hanapin ang game na gusto mong laurin, at piliin ang button na Laruin ang Game.
Tandaan: May makikita ka ring mobile games. Hindi malalaro ang mga ito sa TV, pero puwedeng i-download at laruin sa phone o tablet. Kasama ang lahat ng games — mobile at TV — sa membership mo: Walang ads, singil, o in-app purchases.Para maglaro, kailangan mong ikonekta ang phone o tablet mo bilang controller. I-scan lang ang QR code sa TV gamit ang phone mo at ikokonekta ka sa game. Mahahanap mo ang mas detalyade pang instructions sa ibaba.
Kung nasa Netflix.com sa Google Chrome o Microsoft Edge web browser ka at nakikita mo ang Games sa menu sa itaas ng home screen, ibig sabihin nitong may device ka na puwedeng maglaro ng games.
Piliin o hanapin ang game na gusto mong laruin, at piliin ang button na Laruin ang Game .
Tandaan: Depende sa device mo, baka makakita ka ng games para sa web browser mo, pati na rin mobile games na puwede mong i-download sa phone. Kung hindi compatible ang browser mo, baka mobile games na puwedeng i-download lang ang makita mo.Kailangan ng keyboard at mouse o mobile phone para maglaro
I-click ang game na gusto mong laruin, at i-click ang button na Laruin ang Game.
Kinakailangang setup
Paano i-connect ang phone o tablet mo para gamitin bilang game controller
Kakailanganin mong gamitin ang mobile phone o tablet mo bilang controller para maglaro ng mga game sa TV mo.
Sa Netflix.com, magagamit mo ang mobile phone o tablet mo bilang controller, o puwede kang gumamit ng keyboard at mouse. Hindi supported ang mga physical gamepad at ibang controller sa ngayon.
Tandaan na hindi kailangang naka-sign in ka sa anumang partikular na Netflix account sa phone mo para ikonekta ito bilang controller. Hindi ise-share ang anumang data o impormasyon ng Netflix account.
Android phone o tablet:
Piliin o hanapin ang game na gusto mong laurin, at piliin ang button na Laruin ang Game.
Buksan ang camera ng Android device mo at i-scan ang QR code sa TV screen mo.
Piliin ang lalabas na link. I-download at i-install ang Netflix app kung hindi mo pa ito nagagawa.
I-scan ulit ang QR code.
Kokonekta ang phone mo sa TV bilang controller.
Maglaro na!
iPhone o iPad:
Piliin o hanapin ang game na gusto mong laurin, at piliin ang button na Laruin ang Game.
Buksan ang camera ng iPhone o iPad mo at i-scan ang QR code sa TV screen mo.
Bukas ang pop-up ng Netflix controller sa phone mo.
Ipe-pair ang controller at TV mo at magsisimula ang game.
Pag-exit sa games
Sa TV: Gamit ang phone mo bilang controller, pindutin ang Netflix button
, at piliin ang Mag-exit sa Game. O, gamit ang TV remote mo, pindutin ang button para bumalik, at piliin ang Mag-exit sa Game.
Sa Netflix.com: Pindutin nang matagal ang Shift at pindutin ang Tab sa keyboard mo, pagkatapos ay i-click ang Mag-exit sa Game. Kung ginagamit mo ang phone mo bilang controller, pindutin ang Netflix button
, at piliin ang Mag-exit sa Game.
Maintenance sa game
Posibleng pansamantalang maging hindi available ang games sa TV at sa Netflix.com habang gumagawa kami ng mga update o pag-aayos. Kung makakita ka ng message na nagsasabing "Hindi kami makapaglaro ng game sa ngayon" o kung wala sa row ng games mo ang isang game na gusto mong laruin, nakakalungkot, ibig sabihin nitong sumasailaim sa maintenance ang game na iyon. Subukang laruin ulit ang game sa ibang pagkakataon.
Pag-troubleshoot/Mga Isyu
Dahil beta experience ang Games sa TV at sa Netflix.com, posibleng makaranas ka ng ilang problema. Baka makatulong ang mga option na ito na maayos ang mga karaniwang problema:
Mag-report ng problema o mag-share ng feedback
Napakahalaga ng feedback mo para matulungan kaming pagandahin ang experience mo. Para mag-report ng problema o mag-share ng feedback, puwede kang:
Magbigay ng feedback pagkatapos mong mag-exit ng game session sa pamamagitan ng mobile device controller o keyboard at mouse mo.
Makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.
Pagkolekta at Pag-process ng Impormasyon
Dagdag pa sa inilalarawan sa Pahayag sa Privacy ng Netflix, automatic kaming tumatanggap at nagso-store ng impormasyon tungkol sa Netflix app, device, at Netflix account (kung naka-log in ka) na ginagamit para laruin ang game kapag ginagamit mo ang Games sa TV at sa Netflix.com. Kung gumagamit ka ng mobile device bilang controller, naka-link ang impormasyon ng gameplay sa Netflix account kung saan tumatakbo ang Netflix Game sa TV. Ginagamit namin ang impormasyong ito alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Netflix.