Netflix Error NGP-6002

Nagkaproblema
Pasensya na, nagkakaproblema kami sa request mo. Pakisubukan ulit mamaya.
Error code: NGP-6002

Ibig sabihin ng error na ito sa iPhone o iPad mo na mas mataas ang maturity rating ng game na ito kaysa sa pinapayagan ng profile mo.

Para ayusin ang problema:

I-check ang maturity settings ng profile mo

Puwede mong palitan ang pinapayagang maturity rating at iba pang kontrol ng magulang sa Mga Setting ng Profile at Mga Kontrol ng Magulang ng account mo. Para alamin pa, pumunta sa Mga kontrol ng magulang sa Netflix.

Kung mas mataas ang setting ng maturity rating ng profile mo kaysa sa maturing rating ng game, sundin ang steps sa ibaba.

Mag-sign out sa Netflix

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko .

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu icon ng more.

  4. I-tap ang Mag-sign Out icon ng mag-sign out, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.

  5. Mag-sign in ulit sa Netflix mo, at subukan ulit.

Mga Kaugnay na Article