Paano i-restart ang Netflix membership mo
Sundin ang steps sa ibaba kung na-cancel mo ang account mo at gusto mong i-restart ito.
Mag-sign in sa account mo.
Tandaan: Kung nakalimutan mo ang password mo, puwede mo itong i-reset.
Pagkatapos mag-sign in...
Kung nakakanood ka pa rin ng Netflix:
Posibleng may banner sa itaas ng screen na puwede mong piliin para mag-restart.
Kung walang banner, pumunta sa netflix.com/account sa computer o mobile browser. Dapat makakita ka ng banner doon o button na I-restart ang Membership na puwede mong gamitin para i-restart ang account mo.
Kapag nag-restart ka, mananatili ang lahat ng Profile, List Ko, game save, at impormasyon sa pagbabayad mo – na parang hindi ka nag-cancel. Hindi magbabago ang billing date mo.
Kung makakita ka ng “welcome back” message o hilingin sa iyo na ipagpatuloy ang pag-set up ng account mo:
Sundin ang steps sa screen para tapusin ang pag-restart sa account mo.
Baka kailangan mong i-update o i-confirm ang ilan sa account settings o impormasyon sa pagbabayad mo.
Kapag nag-restart ka, mananatili ang lahat ng Profile, List Ko, game save, at impormasyon sa pagbabayad mo. Baka magbago ang billing date mo sa petsa na ni-restart mo ang account mo.
Kung makakita ka ng message na Walang mahanap ang Netflix na account na may email address na iyon:
Lumipas na ang panahon mula noong na-cancel mo ang account mo. Kailangan mong i-follow ang steps sa screen para mag-set up ng bagong account.
Wala sa dating impormasyon ng account mo (Mga Profile, List Ko, game saves, atbp.) ang magiging available sa bagong account, at kakailanganin mo ng valid na paraan ng pagbabayad para simulan ang bagong account.
Kung ni-restart ang Netflix account mo nang walang pahintulot mo, i-cancel ito sa pamamagitan ng pagsunod sa steps sa Paano i-cancel ang Netflix, at pagkatapos ay gawin ang steps na nakalista doon sa "Pagpigil sa iba mula sa pag-restart ng account mo."