Bakit nagbago ang presyo ng Netflix mo

Habang patuloy kaming nagdadagdag ng mas marami pang TV show at pelikula, at naglulunsad ng mga bagong feature ng produkto, puwedeng magbago ang mga plan at presyo namin. Puwede rin naming i-adjust ang mga plan at presyo para makasunod sa mga pagbabago sa local market, tulad ng mga pagbabago sa mga lokal na tax o inflation.

Narito ang mga sagot sa ilang karaniwang tanong tungkol sa mga pagbabago sa presyo:


Paano ko malalaman na magbabago ang presyo?

Kung magbabago ang presyo ng plan mo, papadalhan ka ng Netflix ng email na may mga detalye tungkol sa pagbabago sa presyo nang hindi bababa sa 1 buwan bago ang billing date kung kailan tataas ang presyo ng plan mo.

Puwede mo ring tingnan ang history ng pagbabayad sa account mo para alamin ang billing date at presyo ng plan mo.


Paano kung hindi ko nakita ang email tungkol sa pagbabago sa presyo?

Kung hindi mo nakita ang email, paki-confirm na tama ang email address na nauugnay sa account mo.


Saan ko puwedeng paghambingin ang mga plan at presyo sa Netflix?

Puwede mong paghambingin ang mga plan at presyo namin ngayon at puwede kang magpalit ng plan kahit kailan.


Puwede bang ang dating presyo ng plan ang bayaran ko?

Nalalapat ang mga bagong presyo ng plan sa lahat kapag nag-announce ng update sa presyo.

Mga Kaugnay na Article

Mga Kaugnay na Article