Mga Device na Supported ang Netflix | Manood ng Netflix sa TV, phone, o computer mo

Puwede kang manood ng Netflix sa anumang supported na smart TV, phone, tablet, streaming player, o game console na kumokonekta sa internet at nag-o-offer ng Netflix app, o sa netflix.com gamit ang computer.

Mga TV at TV streaming device

Kasama na sa maraming TV, TV streaming device, at media player ang Netflix app. Para magsimula, gamitin ang mga link sa ibaba para alamin kung paano makuha ang Netflix sa device mo.

Paalala:
Posibleng hindi na available ang Netflix sa ilang TV at TV streaming device na ginawa bago ang 2014.

Hindi mo ba nakikita ang device mo? Hanapin ang pangalan o manufacturer ng device mo sa aming Help Center para sa higit pang impormasyon. Para alamin pa ang tungkol sa support sa device, makipag-ugnayan sa amin o sa kumpanya na gumawa ng device mo.

Mga mobile phone at tablet

Puwede kang manood ng Netflix sa anumang supported na mobile phone o tablet. Para magsimula, gamitin ang mga link sa ibaba para makita ang mga partikular na kinakailangan at alamin kung paano makuha ang Netflix app sa device mo.

Mga Computer

Puwede kang manood ng Netflix sa mga Mac, Windows, o Chromebook computer. Para magsimula, pumunta sa netflix.com gamit ang supported na web browser, o kunin ang Netflix app para sa Windows.

Paalala:
Para sa mga problema sa pagsisimula, siguraduhing natutugunan ng computer at browser mo ang mga kinakailangan sa system na ito.

Mga cable box

Maraming provider ng internet, cable, at pay TV ang nagsasama ng Netflix app sa mga device nila. Para magsimula, hanapin ang pangalan ng provider mo sa aming Help Center para alamin kung available sa device mo ang Netflix. Para alamin pa ang tungkol sa support sa device, makipag-ugnayan sa amin o sa kumpanyang nagbigay ng device mo.

Mga video game console

Puwede mong panoorin ang Netflix sa mga sikat na video game console na ito. Para magsimula, gamitin ang mga link sa ibaba para alamin kung paano makuha ang Netflix sa game console mo.

Mga Kaugnay na Article