Paano gamitin ang Netflix sa Apple Vision Pro mo

Available ang Netflix sa pamamagitan ng Safari browser app sa Apple Vision Pro mo.

Para mag-sign in sa Netflix account mo sa Apple Vision Pro mo:

  1. Mag-navigate sa Safari app, at i-tap ang mga daliri mo nang magkasama para pumili.

  2. Tingnan ang microphone button sa search field at sabihin ang “Netflix.”

  3. Mag-navigate sa Mag-sign In, at i-tap ang mga daliri mo nang magkasama para pumili at sundin ang steps para mag-sign in.

Tandaan:Para manood ng Netflix sa Safari gamit ang Apple Vision Pro mo, kailangang mayroon ito ng pinakabagong version ng visionOS at naka-install ang Safari.

Navigation
Makakapag-browse ka sa mga row ng mga TV show at pelikula, kasama ang isang row na para lang sa mga napili mo sa List Ko. Kumakatawan ang bawat row sa isang category (halimbawa, mga comedy o drama) na ipapakita namin sa iyo batay sa mga pinanood mo.


Mga subtitles at alternate audio
Alamin kung paano i-on ang mga subtitle, closed captions, at alternate audio, na available sa karamihan ng mga TV show at pelikula. Puwede mong baguhin ang hitsura ng mga subtitle at caption sa maraming device. Ipapakita ng mga device na walang support sa pag-customize ang subtitle at caption sa default na hitsura ng mga ito.


Mga Download
Hindi supported ang pag-download ng mga TV show at pelikula para manood offline kung nanonood ka gamit ang Apple Vision Pro mo.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Mag-navigate sa Safari app, at i-tap ang mga daliri mo nang magkasama para pumili.

  2. Tingnan ang microphone button sa search field at sabihin ang “Netflix.”

  3. Piliin ang profile mo.

  4. Mag-navigate sa icon ng profile mo sa kanang sulok sa itaas, at mag-navigate sa Mag-sign out sa Netflix at i-tap ang mga daliri mo nang magkasama para pumili.

Mga Kaugnay na Article