Paano gumamit ng mga subtitle, caption, o pumili ng wika ng audio
Puwede mong palitan ang mga subtitle, caption, at wika ng audio ng maraming show at pelikula. Kapag pumipili ng wika para i-stream ang title sa isang supported device, makikita mo ang lahat ng available na wika para sa title na iyon. Para sa mga download, ipinapakita ng Netflix ang 2 pinakaangkop na wika.
Tandaan: Puwede mong makita ang mga subtitle, kahit pa naka-off ito sa settings ng subtitle mo, habang nanonood ng mga show at pelikula na may dialogue na nasa wikang iba sa original na wika ng title.
Para gamitin ang mga subtitle, caption, o pumili ng wika ng audio:
Buksan ang Netflix at simulang mag-play ng TV show o pelikula.
Gawin ang aksyong nakalista para sa device mo:
Device | Aksyon |
Mga mobile phone o tablet, computer | I-tap o i-click ang screen |
Smart TV, mga Blu-ray player, cable box, gaming system, streaming media player | Pindutin ang up o down arrow sa remote. |
Apple TV | Mag-swipe up o pindutin ang up arrow sa Apple TV remote mo. |
3. Sa alinman sa itaas o ibaba ng screen, piliin ang Audio at Mga Subtitle
. Sa mga TV, posibleng makita ang mga option sa wika sa ibaba nang walang icon. Puwede kang pumili sa mga wika na ipinapakita o piliin ang Iba pa para makita ang lahat ng option sa wika.
4. Palitan ang mga napili mong audio o subtitle.
Tandaan:Hindi nase-save ang mga preference sa subtitle at audio kapag karamihan sa mga Pambatang title ang pinapanood mula sa pangmatandang profile. Nase-save ang mga ito kapag mula sa Pambatang profile nanonood. Kung kailangan mong i-reset ang audio mo tuwing sinusubukan mong manood, mag-play ng title na may maturity rating na Teens o mas mataas sa loob ng 2-3 min para mai-set ang gusto mong wika ng audio. Ise-save nito ang settings mo para sa susunod mong panonood.
Puwede mo ring baguhin ang hitsura ng mga subtitle at closed caption sa mga device mo.
Puwede ka ring direktang mag-search ng mga title na may partikular na wika ng audio sa Netflix para makita ang lahat ng available ng title (halimbawa, "English Dubbed Movies & TV").
Para sa mg title na may available na Subtitles for the Deaf and Hard of Hearing (SDH), hanapin ang SDH badge
sa page ng mga detalye ng title.
Tandaan: Posibleng hindi sa lahat ng season o episode magiging available ang SDH sa ilang show.
Kung walang available na SDH ang isang title, posibleng i-default ka sa mga subtitle na may dialogue lang at walang context tulad ng mga tunog o musika.