Paano palitan ang hitsura ng mga subtitle at closed caption

Puwede mong palitan ang font, size, shadow, at background color ng mga subtitle at closed caption.

  1. Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.

  2. Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.

  3. Piliin ang Hitsura ng subtitle.

    Tandaan: Hindi available ang option sa hitsura ng subtitle sa ilang bansa na may ganitong mga pangunahing wika, kahit na naka-set ang profile sa iba pang wika: Arabic at Hebrew. Posibleng hindi rin makita sa ilang mas lumang device ang piniling options sa hitsura.

  4. Piliin ang settings mo para sa hitsura ng subtitle.

  5. Piliin ang I-save.

  6. Buksan ang Netflix sa device mo para magsimulang manood gamit ang bagong hitsura ng subtitle mo.

    Tandaan: Kung gumagamit ka ng TV o streaming device, buksan ang Netflix app at piliin ang Settings, then Humingi ng Tulong, at I-reload para makita ang mga pagbabago. Posibleng hindi available ang hitsura ng subtitle para sa mga partikular na wika sa ilang TV device.

  1. Buksan ang Netflix app at simulang mag-play ng TV show o pelikula.

  2. I-pause ang Netflix, at piliin ang player controls sa ibaba ng screen.

  3. Piliin ang Settings para i-adjust ang Laki at Estilo ng subtitle.

    Kung hindi ipinapakita ang Settings, ibig sabihin, hindi supported sa device mo ang pagpapalit ng hitsura ng subtitle sa wika mo.

  4. Piliin ang gusto mong Laki at Estilo.

  5. I-resume ang pag-play ng title.

Tandaan: Hindi makikita sa mga naka-connect na TV device ang lahat ng option sa hitsura ng subtitle na available sa web browser.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang I-manage ang mga Profile.

  5. Piliin ang profile na gusto mong i-edit.

  6. I-tap ang Hitsura ng Subtitle.

  7. Piliin ang settings mo para sa hitsura ng subtitle. Automatic na ise-save ang bagong settings.

  8. Para i-reset, i-tap ang I-restore ang Default Settings.

Tandaan: Lalabas lang sa titles na pine-play sa Android mobile device mo ang mga pagbabagong ginawa gamit ang Netflix app.

Pumunta sa Apple Support o bisitahin ang mga article sa ibaba para sa instructions:

Gusto mo bang i-on o i-off, o palitan ang subtitle, caption, o wika ng audio mo? Alamin kung paano gumamit ng mga subtitle, caption, o piliin ang wika ng audio mo.

Mga Kaugnay na Article