Bakit hindi available ang mga subtitle o audio sa isang partikular na wika
Available ang subtitle at audio sa maraming wika sa karamihan ng mga title. Kung hindi available ang mga ito sa isang wika, posibleng dahil ito sa:
Lokasyon mo
Mga preference sa wika ng profile mo
Pelikula o TV show na sinusubukan mong panoorin
Device na sinusubukan mong gamitin sa panonood
Ipinapakita ng Netflix ang 5–7 nauugnay na wika sa mga TV at TV streaming device batay sa lokasyon at settings ng wika mo. Para sa iPhone, iPad, mga Android phone at tablet, at mga web browser, makikita mo ang lahat ng available na wika ng isang title. Para sa mga na-download na title, ipapakita ng Netflix ang 2 pinakanauugnay na wika.
Tandaan:Kung naka-connect ka sa WiFi habang nanonood ng TV show o pelikula na na-download mo rin sa device mo, 2 pinakanauugnay na wika lamang ang ipapakita bilang subtitle o audio option. Para ipakita ang mas maraming wika, i-delete ang download at subukan ulit na piliin ang subtitle o audio.
Posibleng hindi available ang mga subtitle o audio sa isang wika sa mga partikular na title dahil sa content licensing at mga show agreement.