Ayaw ma-off ang mga subtitle

Kung nanonood ka ng TV show o pelikula na gawa sa ibang rehiyon, baka hindi mo ma-off ang mga subtitle. Posibleng magpakita ng mga subtitle sa pangunahing wika sa rehiyon mo ang ilang titles bilang default.

Kung nakikita mo ang option na i-off ang mga subtitle pero hindi mo ma-disable ang mga ito, sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Kung kailangan mong i-off ang mga subtitle sa tuwing manonood ka ng Pambatang TV show o pelikula, mag-play ng title na may maturity rating na Teens o mas mataas na naka-set sa gusto mong wika ng subtitle. Ise-save nito ang settings mo para sa susunod mong panonood.

Kung hindi mo ma-off ang mga subtitle kahit pinalitan mo na ng None ang subtitle options sa 2011 o 2012 Samsung Smart TV mo, inirerekomenda naming gumamit ka ng ibang device sa pagsi-stream ng Netflix. Dahil nagkakaroon lang ng ganitong problema sa mga mas lumang version ng Netflix app, maa-adjust mo lang ang subtitle settings mo gamit ang ibang device.

Kung na-off mo na ang mga subtitle sa Netflix app pero nakikita mo pa rin ang mga ito, malamang na ina-adjust ang mga subtitle sa Xbox 360 mo mismo. Para i-disable ang mga ito:

  1. Piliin ang Settings.

  2. Piliin ang System.

  3. Piliin ang Console Settings.

  4. Piliin ang Display.

  5. Piliin ang Closed Captioning.

  6. Piliin ang Off.

  7. I-save ang settings mo at mag-exit, saka subukang panoorin ulit ang TV show o pelikula mo.

Kung na-off mo na ang mga subtitle sa Netflix app pero nakikita mo pa rin ang mga ito, malamang na ina-adjust pa rin ang mga subtitle sa Xbox One mo. Para i-disable ang mga ito:

  1. Piliin ang Settings.

  2. Piliin ang Ease of access.

  3. Piliin ang Closed Captioning.

  4. Piliin ang Closed Captioning Off.

  5. I-save ang settings mo at mag-exit, saka subukang panoorin ulit ang TV show o pelikula mo.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article