Paano mag-delete ng mga na-download
Puwede kang mag-delete ng na-download na TV show o pelikula sa device mo kapag tapos mo na itong panoorin.
Puwede ka ring mag-delete ng mga na-download sa isang device kung saan wala kang access sa pamamagitan ng pag-aalis ng device na iyon sa Netflix account mo.
Mag-delete ng isang TV show o pelikula
Android phone o tablet, iPhone, o iPad
Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Download.
Sa tabi ng episode o pelikula, i-tap ang icon ng status ng download .
Para mag-delete ng mga indibidwal na episode mula sa isang TV show, piliin muna ang TV show.
I-tap ang I-delete ang Download.
Paalala:Sa ilang device, may I-download ang Susunod na Episode, na magde-delete ng na-download na TV episode pagkatapos itong mapanood, pagkatapos ay automatic na mada-download ang susunod na episode.
I-delete ang lahat ng na-download
Android phone o tablet, iPhone, o iPad
Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.
Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.
I-tap ang Settings ng App.
Sa Mga Download, piliin ang I-delete ang Lahat ng Download.
Sa confirmation screen, i-tap ang I-delete.
I-delete ang lahat ng download sa device sa pamamagitan ng pag-aalis nito sa account mo:
Web browser
Gamit ang browser, pumunta sa page na I-manage ang mga device para sa pag-download. Posibleng kailangan mong mag-sign in kung hindi ka pa naka-sign in.
Piliin ang Alisin ang device para i-delete ang lahat ng download sa device na iyon.
Android phone o tablet, iPhone, o iPad
Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.
Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.
I-tap ang Account.
Sa Settings, i-tap ang I-manage ang mga device na puwedeng mag-download.
I-tap ang Alisin ang device para i-delete ang lahat ng download sa device na iyon.