Paano gamitin ang 'I-download ang Susunod na Episode'
Para automatic na ma-download ang susunod na episode ng TV series, gamitin ang I-download ang Susunod na Episode. Kapag tapos ka nang panoorin ang na-download na episode, ide-delete namin ito sa device mo at automatic na mada-download ang susunod na episode sa series.
Hindi automatic na dine-delete ang pinakahuling episode ng series pagkatapos mo itong panoorin.
Hindi available ang feature na I-download ang Susunod na Episode sa mga plan ng Netflix na may ads.
I-on o i-off ang I-download ang Susunod na Episode
Buksan ang Netflix app.
Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.
Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.
I-tap ang Settings ng App.
Sa Mga Download, i-tap ang Mga Smart Download.
I-toggle ang switch sa tabi ng I-download ang Susunod na Episode para i-on o i-off ang setting.
Ang I-download ang Susunod na Episode:
Ay available sa mga Android phone at tablet, iPhone, at iPad device na may naka-install na pinakabagong version ng Netflix app.
Gumagana kapag naka-connect sa Wi-Fi network, kaya hindi ginagamit ang mobile data mo.
Hindi gagamit ng higit pang storage kaysa sa ginamit na ng mga na-download mo.
Kung hindi ma-download ang susunod na episode, subukan ang steps na ito:
Siguraduhing naka-on ang I-download ang Susunod na Episode.
I-connect ang device mo sa Wi-Fi network.
Tingnan kung may higit pang episode na mada-download ang series.