Hindi makapag-download ng TV show o pelikula

Kung nagkakaproblema ka sa pag-download ng TV show o pelikula sa Netflix app, piliin ang option na pinakatugma sa isyu mo para makapagpatulong.

Para makakita ng article na may steps para ayusin ang error, i-search sa Help Center namin ang eksaktong error message o code.

Kung nada-download mo ang ilang TV show at pelikula pero hindi ang iba, o kung hindi mo nakikita ang icon na I-download sa tabi ng title na gusto mong panoorin offline, hindi mada-download ang title.

Alamin kung bakit may ilang title na hindi puwedeng i-download.

Kung hindi mo makita ang option na mag-download, o hindi mo nakikita ang icon na I-download kahit saan sa Netflix sa device mo:

Kung nakakapag-download ang device mo, pero nagkakaproblema ka pa rin, baka may ibang isyu.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

Kung Android phone o tablet mo ang ginagamit mo, buksan ang Netflix page sa Play Store, tapos, i-tap ang I-update.

Puwede mo ring i-update ang Netflix app gamit ang steps na ito:

  1. Buksan ang Play Store app. Kung wala ka nito, baka kailangan mong mag-ayos ng isyu sa Play Store.

  2. Sa Search bar, i-type ang "Netflix."

  3. I-tap ang Netflix app sa list. Kung hindi mo makita ang Netflix app, sa halip aysundin ang steps sa article na ito.

  4. I-tap ang I-update. Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang app.

  1. Buksan ang Settings app.

  2. I-tap ang System > System update.

  3. I-check kung may available na update at i-install.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.

  2. I-tap nang matagal ang Netflix app, at i-tap ang App info.

  3. I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Posibleng iba ang steps para i-clear ang data ng app para sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

  1. Sa Android home screen, pumunta sa Settings.

  2. Piliin ang Apps o Apps Manager.

  3. Piliin ang Netflix.

  4. Piliin ang Permissions.

  5. I-switch ang Storage sa On.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

Sundin ang steps ng Apple parai-update ang device mo sa pinakabagong version, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kapag in-uninstall mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at i-tap nang matagal ang Netflix app.

  2. I-tap ang Remove app > Delete app > Delete.

  3. Buksan ang App Store at i-search ang "Netflix."

  4. I-tap ang Netflix, pagkatapos ay i-tap ang cloud icon para makuha ang app. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  5. Kapag naka-install na ang app, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Kung hindi mo mahanap ang Netflix app pagkatapos alisin ito, sundin ang steps ng Apple para mag-download ulit ng app mula sa App Store.

  1. Pumunta sa home screen, at i-tap ang Appstore.

  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu, at i-tap ang Mga Update sa App .

  3. Sa list, hanapin ang Netflix app at i-tap ang Update. Kung wala sa list ang Netflix app, up to date na ito.

  4. Kapag natapos na ang pag-update, i-tap ang Open at subukan ulit ang Netflix.

  1. Buksan ang Settings app.

  2. I-tap ang Options ng Device > Mga Update sa System > I-check Ngayon.

  3. I-tap ang I-update para i-install ang update. Kung nakikita mo ang Walang nahanap na update, up to date na ang device mo.

  4. Pagkatapos mag-restart ng tablet mo, subukan ulit mag-Netflix.

May bagong Netflix app para sa Windows, kung saan puwedeng manood ng mga live event, mas maganda ang streaming quality, compatible ang mga plan na may ads, at marami pang iba. Kahit hindi na supported ang pag-download, puwede ka pa ring manood ng mga TV show at pelikula offline gamit ang isang supported na mobile device.

Kung hindi mo mahanap ang option na mag-download o i-play ang mga na-download mong title sa Netflix app para sa Windows, ginagamit na ng computer mo ang bagong app version. Hindi na makakabalik sa lumang app version.

Mga Kaugnay na Article