Netflix Error NQL.22005

Kung nakikita mo ang error code na NQL.22005 sa Android phone o tablet mo, na madalas na may isa sa mga sumusunod na error message:

Napakaraming Na-download na Video
Kakailanganin mong mag-alis ng mga download sa device na ito, o sa iba pang device sa plan mo. (NQL.22005)

Error sa Pag-download
Masyado nang marami ang na-download mong video.Mag-delete ng video at subukan ulit. (NQL.22005)

Ang ibig sabihin nito ay nalampasan mo na ang maximum na bilang ng magkakasabay na na-download na title mula sa iisang kasunduan sa lisensya.

Ang aming content ay karaniwang nakalisensya nang magkaka-bundle na title mula sa mga indibidwal na studio at distributor. Sa ilang sitwasyon, baka may mga limitasyon sa bilang ng mga title mula sa iisang kasunduan na puwede mong i-download nang magkakasabay. Ipapatupad lang namin ang mga limitasyong ito kapag kinakailangan ng mga kasunduan sa lisensya. Karaniwan kaming nakakapag-offer ng mga buong season ng mga TV show para sa magkakasabay na pag-download, pero baka makita mo ang error na ito kapag nagda-download ng maraming episode mula sa iba't ibang season.

Karaniwang maaayos ang error na ito kapag na-delete ang mga download na tapos mo nang panoorin.

Alisin ang mga na-download sa device mo

Para mag-alis ng isang na-download:

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Download, at pagkatapos ay mag-tap ng TV show o pelikula.

  2. Sa tabi ng episode o pelikula na may problema, i-tap ang icon ng status ng download .

  3. I-tap ang I-delete ang Download.

Para alisin ang lahat ng na-download:

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  3. I-tap ang Settings ng App.

  4. I-tap ang I-delete ang Lahat ng Download, at i-tap ang OK.

Mga Kaugnay na Article