Bakit hindi puwedeng i-download ang isang pelikula o TV show?

Ang mga TV show at pelikula mula sa Netflix at mga iba pang content provider ay mada-download sa aming Android, iPhone, iPad, Amazon Fire, at Windows 10 at 11 app.

Para sa pangkalahatang impormasyon sa pag-download ng mga title, tingnan ang Paano mag-download ng mga title na papanoorin offline.

Bakit hindi puwedeng i-download ang ilang title?

Sinusubukan naming gawing available sa pag-download ang pinakamaraming pelikula at TV show hangga't posible. Kapag hindi puwedeng i-downoad ang isang title, posibleng dahil ito sa ilang magkakaibang bagay, kabilang ang:

  • Kasalukuyang exclusive sa ibang kumpanya ang mga karapatan sa content.

  • Hindi puwedeng bilhin ang mga karapatan sa content provider.

  • Kasikatan, gastos, mga pana-panahon at iba pang lokal na salik, at availability.

Bakit hindi puwedeng i-download ang ilang original na TV show at pelikula ng Netflix?

Ang ilan sa mga TV show at pelikula namin ay ginawa ka-partner ng isang studio na nagmamay-ari ng franchise o intelektwal na ari-arian na nauugnay sa content. Baka may mga karapatan kaming i-offer ang mga iyon para sa streaming, pero baka hindi namin mai-offer ang mga iyon para sa pag-download.

Tingnan ang Paano kumukuha ng license ang Netflix para sa mga TV show at pelikula para sa karagdagang impormasyon tungkol sa licensing at kung ano ang Netflix original.

Mga Kaugnay na Article