Paano kumukuha ng license ang Netflix para sa mga TV show at pelikula

Nagpo-produce o kumukuha ng exclusive rights ang Netflix para sa maraming TV show at pelikula, kasama na ang mga sikat na title gaya ng Squid Game, Bridgerton, La casa de papel (Money Heist), Stranger Things, The Witcher, You, 13 Reasons Why, Lucifer, The Crown, Lupin, Red Notice, Bird Box, Extraction, The Irishman, The Kissing Booth, at marami pang iba!

Makikita mo ang mga title na ito dahil sa pulang “N” sa artwork ng title. Puwede mo ring i-search ang “Netflix” para makita ang lahat ng ito, o puwede kang pumunta sa netflix.com/originals.

Nakikipag-partner din ang Netflix sa content at studio providers para makakuha ng license para sa rights sa iba pang title. Baka available lang ang mga title na ito sa ilang bansa o sa loob ng limitadong panahon.

Kung hindi mo makita ang isang title sa Netflix, may ilang posibleng dahilan kung bakit hindi ito available.

Mga Kaugnay na Article