Bakit nawawala ang mga TV show at pelikula sa Netflix?

Kumukuha ng lisensya ang Netflix para sa mga TV show at pelikula mula sa mga studio sa buong mundo. Bagama't sinusubukan naming mapanatili ang titles na gusto mong mapanood, may ilang title na nawawala sa Netflix dahil sa mga kasunduan sa lisensya.

Sa tuwing nag-e-expire ang lisensya ng isang TV show o pelikula, isinasaalang-alang namin ang mga bagay na gaya ng:

  • Kung available pa ang mga karapatan sa title

  • Kung gaano ito kasikat sa isang rehiyon, at kung magkano kumuha ng lisensya nito

Kung na-renew ang isang TV show o pelikula, mananatili ito sa Netflix para ma-enjoy mo. Kung hindi na-renew ang isang title, sasabihan ka namin kapag malapit na itong mawala.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paglilisensya o availability ng title, tingnan ang Paano kumukuha ng lisensya ang Netflix para sa mga TV show at pelikula o Hindi mahanap ang isang TV show o pelikula.

Mga Kaugnay na Article