Sabi ng Netflix, 'May mga download ka sa napakaraming device.'

Posiblang makita mo ang error code na 10016-23000 o NQL.23000 kasama ng message na:

May mga download ka sa napakaraming device.
Pakialis ang mga download sa ibang device, o pumunta sa netflix.com/changeplan para sa mga option sa plan.

Ang ibig sabihin ng error na ito sa Android phone o tablet, iPhone, o iPad mo ay nagamit mo na ang maximum na bilang ng mga device na puwedeng mag-download na pinapayagan ng Netflix plan mo. Para makita ang limit mo ngayon, pumunta sa page mo na I-manage ang mga Device na Puwedeng Mag-dowload.

Para ayusin ang problema, sundin ang isa sa mga option na ito at subukan ulit na mag-download:

Alisin ang lahat ng download sa ibang device sa account mo

Puwede mong gamitin ang device na nakakatanggap ng error message para alisin ang lahat ng download sa ibang device sa account mo.

Android phone o tablet, iPhone, o iPad

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko button ng netflix ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu button ng menu.

  4. I-tap ang Account button ng account.

  5. Sa Settings, i-tap ang I-manage ang mga device na puwedeng mag-download.

  6. I-tap ang Alisin ang device para i-delete ang lahat ng download sa ibang device.

Netflix app para sa Windows

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu button ng menu .

  3. Sa SettingsMga Detalye ng AccountI-manage ang mga device na puwedeng mag-download.

  4. I-click ang Alisin ang device para i-delete ang lahat ng download sa ibang device.

Web browser

  1. Gamit ang browser, pumunta sa page mo na  I-manage ang mga Device na Puwedeng Mag-download. Posibleng kailangan mo munang mag-sign in.

  2. I-click ang Alisin ang device para i-delete ang lahat ng download sa ibang device.

Direktang alisin ang lahat ng download sa isang device

Puwede mong direktang alisin ang lahat ng download sa isang device gamit ang Netflix app.

Android phone o tablet, iPhone, o iPad

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko button ng netflix ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu button ng menu.

  4. I-tap ang Settings ng App button ng settings ng app.

  5. Sa Mga Download, piliin ang I-delete ang Lahat ng Download button ng trash can.

  6. Sa confirmation screen, i-tap ang I-delete.

Netflix app para sa Windows

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu button na Higit pa.

  3. I-click ang Settings.

  4. Sa Downloads, i-click ang I-delete ang Lahat ng Download button ng trash can.

  5. I-click ang OK para i-confirm.

Kung kailangan mong gawin ang steps na ito para ayusin ang problema, baka gusto mong mag-sign out ng device na puwedeng mag-download sa account mobaguhin ang Netflix plan mo sa plan na pinapayagan ang higit sa isang device.

Mga Kaugnay na Article