Netflix Error 10016-22005

Kung nakikita mo ang error na ito sa iPhone, iPad, o iPod touch mo, na madalas na may ganitong message:

Kakailanganin mong mag-alis ng mga download sa device na ito, o sa iba pang device sa plan mo. Para sa karagdagang info, pumunta sa help.netflix.com. (10016-22005)

Ang ibig sabihin nito ay naabot mo na ang limitasyon sa dami ng mada-download mo mula sa isang studio o distributor. Ang ilang kasunduan sa lisensya ng studio o distributor ay nagtatakda ng limitasyon sa dami ng mga download na puwede kang magkaroon nang sabay-sabay.

Kadalasang sapat nang i-delete ang mga download na napanood mo na para maayos anga error na ito.

Mag-delete ng isang TV show o pelikula

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Download, at pagkatapos ay mag-tap ng TV show o pelikula.

  2. Sa tabi ng episode o pelikula na may problema, i-tap ang icon ng status ng download .

  3. I-tap ang I-delete ang Download.

I-delete lahat ng download

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  3. I-tap ang Settings ng App.

  4. I-tap ang I-delete ang Lahat ng Download, at i-tap ang I-delete.

Mga Kaugnay na Article