Hindi makita ang Netflix app

Sa karamihan ng device, mada-download at mai-install ang Netflix app gamit ang isang app store, at madalas na naka-preinstall na ito sa mga mas bagong TV at TV streaming device.

Kung hindi mo makita ang Netflix app sa device mo, o kung wala sa apps list o app store ang app, sundin ang steps para sa device mo sa ibaba.

Puwede mong kunin ang Netflix app mula sa Samsung Galaxy Store sa mga Samsung Galaxy phone at tablet na may naka-install na Android OS version 7 o mas bago.

Kung hindi mo makita ang app sa device mo:

  1. Buksan ang Apps menu.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu,

  3. I-tap ang Settings.

  4. I-tap ang Hide apps on Home and Apps screens.

  5. Sa list ng apps, hanapin ang Netflix at tiyaking wala itong check.

Puwede mong kunin ang Netflix app mula sa Amazon Appstore sa mga Fire tablet na may Fire OS version 5 o mas bago.

Kung hindi mo mahanap ang app:

  1. Buksan ang Settings app.

  2. I-tap ang Options ng Device > Mga Update sa System > I-check Ngayon.

  3. I-tap ang I-update para i-install ang update. Kung nakikita mo ang Walang nahanap na update, up to date na ang device mo.

  4. Pagkatapos mag-restart ng tablet mo, subukan ulit mag-Netflix.

Puwede mong kunin ang Netflix app mula sa Google Play Store sa mga phone at tablet na may Android OS version 5 o mas bago.

Kung hindi mo mahanap ang app:

Baka nakatago ang Netflix app dahil sa settings mo ng mga kontrol ng magulang sa Play Store.

Para baguhin ito:

  1. Buksan ang Play Store app.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Profile icon mo.

  3. I-tap ang Settings > Family > Parental controls.

    • Kung naka-on ang Parental controls, i-tap ang switch at ilagay ang PIN mo para i-off ang mga ito.

      Tandaan:Puwede mong i-on ang mga setting na ito pagka-install sa Netflix. Para alamin pa, o para i-reset ang PIN mo, pumunta sa support page ng Google para sa mga kontrol ng magulang sa Google Play.

    • Kung naka-off ang Parental controls, magpatuloy sa susunod na steps.

  4. Subukan ulit na hanapin ang Netflix app.

  1. Buksan ang Settings app.

  2. I-tap ang Apps & notifications.

  3. I-tap ang See all apps, at mag-scroll down at i-tap ang Play Store.

  4. I-tap ang Storage & cache.

  5. I-tap ang Clear cache, at i-tap ang Clear storage.

  6. Subukan ulit na hanapin ang Netflix app.

Posibleng hindi lumabas ang Netflix app kung hindi na-certify ng Play Protect ang device mo.

Para tingnan ang status ng Play Protect ng device mo:

  1. Buksan ang Play Store app.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Profile icon mo.

  3. I-tap ang Settings > About.

  4. Sa ilalim ng Play Protect certification, tingnan ang status ng certification ng device mo.

Kung nakita mo ang Certified ang device, makipag-ugnayan sa amin para sa higit pang tulong.

Kung hindi certified ang device mo, kakailanganin mong gumamit ng supported device para makapanood ng Netflix. Inirerekomenda naming makipag-ugnayan ka sa manufacturer ng device mo para magtanong ng device na certified ng Play Protect. Para alamin pa, pumunta sa support page tungkol sa certification ng Play Protect ng Google.

Kung hindi mo makita ang Netflix app sa TV mo o sa device na kumo-connect sa TV mo, baka kailangang i-update ang software ng device mo. Sa karamihan ng mga device, puwede mong tingnan kung may mga update at i-install ang mga ito mula sa settings o system menu. Para malaman ang steps para i-update ang device mo, tingnan ang manual nito o magpatulong sa manufacturer.

Kung walang available na update o nasa pinakabagong version na ang device mo, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device para magpatulong sa:

  • Pag-check kung available ang Netflix app sa devce mo.

  • Paghahanap o pag-install ng Netflix app

Kung sinasabi ng manufacturer na hindi available ang Netflix app para sa device mo, kailangan mong gumamit ng ibang supported device.

Para alamin kung paano hanapin o buksan ang Netflix:

  1. Hanapin ang pangalan ng provider mo sa Help Center namin.

  2. Hanapin at buksan ang article na "Paano gamitin ang Netflix" para sa cable box mo.

  3. Sundin ang steps sa seksyong I-set Up ang Netflix.

Kung hindi gumana ang steps o walang article tungkol sa device mo, makipag-ugnayan sa provider mo para malaman kung available ang Netflix app para sa device mo.

Para makuha ang pinakabagong version ng Netflix app, dapat naka-install ang iOS/iPadOS 17 o mas bago sa iPhone o iPad mo.

Para tingnan ang version:

  1. Pumunta sa Settings.

  2. Mag-scroll pababa at piliin ang General.

  3. Piliin ang About.

  4. Nakalista ang version number mo sa tabi ng Version.

Kung ang iOS version mo ay nasa pagitan ng iOS 5 at iOS 16, puwede mong makuha ang Netflix app kung na-download ito dati. Alamin kung paano mag-redownload ng mga app sa App Store.

Kung ang iOS version mo ay iOS 16 o mas luma, at hindi mo na-download ang Netflix dati, kailangan mong gumamit ng ibang device para manood ng Netflix.

Kung 16 o mas bago ang iOS mo, pumunta sa susunod na step.

Kung ginagamit mo ang Screen Time para paghigpitan ang apps na may partikular na ratings, posibleng maging dahilan ito para hindi lumabas ang Netflix app kahit na naka-install ito. Para i-check ang setting:

Tandaan:Kung naka-set up ang settings ng Screen Time para sa device ng isang bata, kailangan mong ilagay ang Screen Time Passcode mo sa steps na ito.

  1. Pumunta sa Settings at i-tap ang Screen Time.

  2. I-tap ang Content & Privacy Restrictions, at i-tap ang Content Restrictions,

  3. I-tap ang Apps. Kung pipiliin ang Don't Allow, 4+, o 9+, hindi ipapakita ang Netflix app.

Para alamin pa, pumunta sa pag-set ng settings ng privacy na may mga limitasyon sa content at privacy sa support site ng Apple.

Kung hindi mo mahanap ang Netflix app sa Microsoft store, sundin ang steps ng Microsoft para ayusin ang mga problema sa paghahanap o pag-install ng apps mula sa Microsoft Store..

O, para manood ng Netflix nang walang app, gumamit ng supported web browser at pumunta sa netflix.com.

Available lang ang Netflix app sa App Store para sa iPhone, iPad, at Apple TV.

Puwede kang manood ng Netflix sa Mac computer mo, pumunta lang sa www.netflix.com gamit ang supported web browser.

Available lang ang Netflix app sa mga Chromebook na nakakapag-install ng mga Android app mula sa Google Play Store. Para sa tulong, sundin ang steps ng Google para kunin ang Play Store sa Chromebook mo.

Kung sinu-support ng Chromebook mo ang mga Android app at hindi mo mahanap ang Netflix app sa Play Store, sundin ang steps na ito:

Sundin ang steps ng Google para i-update ang operating system ng Chromebook mo, at subukan ulit ang Netflix.

Posibleng kailangan mong i-update ang settings mo ng mga kontrol ng magulang kung itinatago nito ang Netflix app.

  1. Buksan ang Play Store app.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Profile Icon mo.

  3. I-click ang Settings > Family > Parental controls.

    • Kung naka-on ang Parental controls, i-click ang switch at ilagay ang PIN mo para i-off ang mga ito.

      Tandaan:Puwede mong i-on ang settings na ito pagka-install sa Netflix. Para alamin pa o para i-reset ang PIN mo, pumunta sa support page ng Google para sa mga kontrol ng magulang sa Google Play.

    • Kung naka-off ang Parental controls, magpatuloy sa susunod na steps.

  4. Subukan ulit na hanapin ang Netflix app.

Hindi na available ang Netflix app sa mga Apple TV (2nd generation) at Apple TV (3rd generation) model. Pumunta sa support site ng Apple para tukuyin ang Apple TV model mo.

Kung na-install na ang Netflix pero hindi mo ito makita, posibleng nakatago ang app o nasa loob ito ng apps folder. Para ayusin ang problema, sundin ang steps ng Apple para palitan kung paano lumalabas ang mga app sa TV Home Screen ng Apple.

Supported lang ang Netflix sa mga Meta Quest VR headset gamit ang Meta Quest Browser.

Alamin kung paano manood ng Netflix gamit ang Meta Quest Browser.

Mga Kaugnay na Article